hola mga amigas, balita muna tayo, medyo mahaba- haba po - TopicsExpress



          

hola mga amigas, balita muna tayo, medyo mahaba- haba po :) NAPOLES, IKULONG SA REGULAR NA SELDA! Nina Marlo Dalisay/ Bernard Taguinod/ Dindo Matining Dahil sa sangkaterbang “hindi ko po alam”, “hindi po totoo”, “I invoke my right to self-incrimination”, at iba pang diskarte ng pag-iwas ni Janet Lim-Napoles sa tanong ng mga senador sa kanya sa imbestigasyon ng Senate blue ribbon committee, inirekomenda na sa Mataas na Kapulungan na ilipat na lamang ito sa ordinaryong kulungan. Sa pag-analisa ni Senador Francis Escudero, isa sa mga miyembro ng naturang komite na pinamumunuan ni Senador Teofisto ‘TG’ Guingona III, kung paniniwalaan umano ang mga kasagutan ni Napoles ay walang kadahi-dahilan ang gobyerno na ipiit ito sa isang espesyal na kulungan at paglaanan ng pera ng bayan sa tuwing dadalo sa mga asunto. “At wala palang threat sa buhay, sino naman ang papatay sa kanya. Wala naman pala siyang sasabihin, dapat gawin ng gobyerno para sa akin hilingin ng DOJ, ilagay na siya sa ordinaryong piitan, huwag gastusan ang seguridad niya, tutal magde-deny lang naman siya,” paliwanag ng mambabatas sa isang panayam sa kanya kahapon. “Para sa akin, para pantay-parehas ang trato ng mga akusado ng krimen. ‘Yun nga nagnakaw ng cellphone nakakulong sa ordinaryong city jail, ‘yung nagnakaw ng bilyon e may sariling kuwarto! Hindi naman yata tama ‘yun,” dagdag pa ni Escudero. Bilang sagot, sinabi naman ng Palasyo ng Malacañang na wala na umano sa hurisdiksyon nila kung ililipat o hindi si Napoles. Puspusan ang ginawang pagpapatibay ng mangi­ngisdang ito sa kanyang bangka sa Albay bilang paniguro sa pagbayo ng super typhoon na si Yolanda, samantalang naging maagap naman sa pagsalba sa kanyang buhay ang lalaking ito sa paghagupit ng bagyo sa Cebu. (AFP/AP photo) Ginawa ni Presidential Communication Operation Office (PCOO) Sec. Herminio ‘Sonny’ Coloma Jr., ang nasabing pahayag bilang tugon sa suhestyon ni Escudero na ilipat na sa regular na kulungan si Napoles mula Fort Sto. Domingo sa Laguna. Ayon kay Coloma, nasa hurisdiksyon na ng Makati Regional Trial Court si Napoles kaya ang korte na umano ang makakapagdesis­yon kung ipapalipat o hindi sa regular na kulungan ang itinuturong utak ng P10 billion pork barrel scam. Return sa Senado? No Way! Tutol naman ang ilang senador na muling imbitahan si Napoles sa susunod na pagdinig ng Senate blue ribbon committee sa pork barrel scam. Ayon kay Senador Benigno ‘Bam’ Aquino, wala rin naman umanong mapapala ang Senado kay Napoles kaya hindi na ito dapat pang usisain. “Sa ngayon wala, dahil wala rin naman siyang sasabihin. Ang importante ngayon ay ang trabaho ng Ombudsman na ma-file na ang kaso sa Sandiganbayan,” sabi ni Aquino sa kanyang text message sa Abante. Sabi naman ni Senador Nancy Binay, tutal wala namang napiga ang Senado kay Napoles, wala nang dahilan para ipa-subpoena itong muli. “Sa palagay ko hindi na dapat ipatawag si Mrs. Napoles,” wika rin ni Senador Antonio Trillanes IV. Napoles may malaking lihim -- Miriam May malaking lihim umanong itinatago si Napoles kaya nagsinungaling ito nang todo sa paglutang nito sa imbestigasyon ng Senado. Ito ang inihayag kahapon ni Senadora Miriam Defensor-Santiago dahil iyon aniya ang nakita niyang naging conclusion ng pagdinig. “Malaking lihim ang itinatago niya, that is the conclusion of yesterday’s hearing,” pahayag ni Santiago sa panayam sa radyo kahapon. Ayon kay Santiago, ayaw magsalita ni Napoles dahil lubha aniyang mapanganib ang mga lihim na alam niya. “Bakit ayaw niyang magsalita? Dahil napaka-panganib ng mga lihim na alam niya. Ganoon lang ‘yun,” pagbibigay-diin pa ng senadora. Sinumpong ng ‘selective amnesia’ Tinamaan umano ng “selective amnesia” nang dikdikin ito ng mga senador. Ito naman ang sinabi ni Senate majority floor lea­der Alan Peter Cayetano laban kay Napoles bagama’t naging produktibo naman umano ang nangyaring pagdinig. “Nakita naman natin na may selective amnesia, kung kailan niya gustong maalala at hindi, nakita naman natin maraming sinasabi sa PDAF, pero ang daming lumalabas,” pahayag ni Cayetano. Hindi man umano direktang umamin si Napoles, nakikita naman ng publiko na nasisinunga­ling lang ito. abante.ph/issue/nov0913/news01.htm#.Un2JYnA3vVo #yanglola*
Posted on: Sat, 09 Nov 2013 01:10:08 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015