medyo petty pero nakakakagigil at nakakakaaliw hahaha! - TopicsExpress



          

medyo petty pero nakakakagigil at nakakakaaliw hahaha! reposting ------------------------------------------------ Ang Bra ni Napoles... Alam ko, isa sa mga tinatanong ng taumbayan ay kung bakit takot na takot si Janet Lim Napoles na makulong sa Makati City Jail. Actually, kaninang hapon nga ay pinagbigyan ng korte na ilipat si Napoles sa may Sta. Rosa, Laguna kasi daw mas safe sya doon. Iba talaga kung meron kang magaling na abogado. By the way, ikaw din ang nagbayad nun, kasama doon sa kabuhayan package na kinuha ni Napoles sa ating lahat. Sabi ng warden ng Makati City jail na hindi nila masisiguro ng 100% ang kaligtasan ni Napoles sa loob ng city jail nila. Ladies and gentlemen, palakpakan natin ang warden na hindi ma-kontrol ang sarili niyang kulungan. E ano pa ang sinisweldo mo diyan? Para maglaro lang ng candy crush? At sabi ni warden-of-the-year-awardee, na hindi nila mababantayan si Napoles lalo na kung sleeping hours na. Ganun pala sa Makati City Jail, pati gwardya tulog kapag sleeping hours. Ganito kami sa Makati. So ayun, ililipat na daw si Napoles doon sa Fort Sto. Domingo sa may Sta. Rosa. At habang hinihintay natin ang paglipat sa sa kaniya, doon muna siya sa Makati City Jail. In fairness daw,tinanggal na daw yung aircon niya sa kaniyang “dentention room” at pinalitan ng electric fan. Buti pa nga siya may electric fan, di tulad ng lahat ng ibang babaeng inmate doon na parang sardinas sa siksikan kung matulog. Eto pa, kaya daw tinanggal talaga ang aircon ay hindi dahil unfair sa iba, kundi dahil hindi malamig ang hangin na lumalabas sa aircon at sobrang ingay pa kung umandar. Taray, nag-request pa si madam. At habang nagsisiksikan ang mga inmate sa mga double-deck at banig, itong si madam ay dinalhan ng air bed na sobrang lambot. O, eto ang tanong, for 20 points. Ano ang silbi ng air bed sa kaniyang seguridad? Pero sige na, para kumanta ka lang at lahat ng mga hayop sa animal kingdom ay mapangalanan mo na, sasayaw kami sa tugtog na request mo. Baka naman mag-volunteer ulit si PNoy na siya pa magdrive sayo papunta sa Laguna. Ang sweet ha. Parang si Shalani ka sa kagandahan sa sobrang tender loving care ha. Hindi ba talaga pwedeng sa Makati City Jail na lang siya mag stay? At least malapit sa Greenbelt 5. Pero sabi ni Atty. Kapunan ay hindi talaga pwede. Andun kasi yung katulong na pinakulong niya last year. Baka resbakan sya. Iba talaga ang life, parang gulong. Minsan nasa taas, minsan nasa Malacañang. At sino ba itong katulong na kinakatakutan ni Napoles? Ito ay si Dominga Cadelina, at pinakulong ito ni Napoles noong simula pa ng 2013. Nakita kasi ng kapatid ni Napoles na si Reynald Lim (na ngayon ay nagtatago din sa batas, pakihanap dahil may P5 Milyon pa na reward sa ulo niya) na nilalagay ni Aling Dominga ang mga bagay ni Napoles sa kaniyang balikbayan box. At ano yung mga ninakaw daw ni Aling Dominga? Isang Balenciaga bag at Yves Saint Laurent (YSL) na bag na nagkakahalaga na $1,800 (around P80,208) each, or a total of $3,600 (around P160,416). At bukod pa doon, nagtangka pa daw diumano si Aling Dominga na magnakaw ng apat na piraso ng Maidenform underwear worth $800 (around P35,648), at YSL na jacket worth $8,000 (around P356,480). Lahat lahat, ang ninakaw daw ni Aling Dominga ay nagkakahalag ng $12,400 (around P552,544). Ang Balenciaga at YSL ay dalawa sa pinakamahal na brand ng bag ngayon. Ang parehong bag ay nanggaling pa sa Paris, France. Walang sinabi ang mga Hermès bag ni Jinkee at ni Mommy Dionisia. Wait lang, ano ba nga ulit ng sinabi ni Atty. Kapunan sa lifestyle ng mga Napoles? She never lived a lavish lifestyle -Atty. Lorna Kapunan (as quoted to reporter Jasmine Romero) Ang mga bra na ninakaw diumano ni Aling Dominga ay nagkakahalaga ng $800 (around P35,648). Ang bra na kung tutuusin ay di nakikita ng mga tao dahil hindi naman nagpa-plunging neckline itong si Napoles (I suppose) ay nagkakahalaga ng $58 (around P2,288) each. Next time, puwede bang lagyan natin ng signboard ang bra ni Napoles? “This left side of the bra of Janet Napoles is a project of Sen. Jinggoy Estrada and the right side is from Sen. Bong Revilla through their Priority Development Assistance Fund (PDAF) dedicated for the Filipino people.” E kayo nga, okay na kayo sa Sara Lee at Natasha na bra, at minsan nga ay may perdible pa tutal wala namang nakakita. Unfair diba? Lagyan ng signboard yan! Tutal, ang mga senador natin ngayon, korupt na, epal pa! At bukod sa bra at mga mamahaling bags, alam naman natin ang 30 na bahay at 30 na iba’t ibang kotse at syempre, ang bonggang bongga na birthday party ni bebegerr sa US. Pero alam niyo na yan. Okay, sabihin natin na ninakaw nga ni Aling Dominga ang mga iyon at yun ang dahilan kung bakit siya nakakulong ngayon at nakikisiksik sa punong-puno na mga selda sa Makati City Jail. Ganun kasi ang hustisya e, nagnakaw ka, e di dapat makulong ka. Walang aircon, walang air bed, walang presidential sweetness. E nagnakaw din si Napoles, diba? - AJPerez@istirero
Posted on: Sat, 31 Aug 2013 15:45:46 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015