(mhae) Gasat ita ng aldaw :-) HOROSCOPE Oktubre 1, 2013 Ni - TopicsExpress



          

(mhae) Gasat ita ng aldaw :-) HOROSCOPE Oktubre 1, 2013 Ni Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) | Updated October 1, 2013 Pagtitibay: Huwag hayaang dapuan ng rebelyon ang iyong kalooban. Dahil kahit pa gaano kawais kung nagrerebelde ang kalooban mo, magiging mangmang ka. LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Huwag gaanong magmataas. Maging tapat tungkol sa inyong kalagayang pinansiyal. Maaaring may makatulong kung magiging matapat at hindi maglilihim. Lucky numbers at color for the day ay 1, 23, 29, 42 at green. SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) –Mag-ingat sa pagkakaroon ng koneksiyon sa mga taong tuso at mapagsamantala. Maaaring hindi ikaw ang makinabang ng iyong pinaghihirapan kung magiging pabaya. Gamitin ang talino sa bawat hakbang. Ingatan ang kalusugan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 10, 24, 35 at tangerine. SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Mapapatunayan mo ngayon sa lahat na nagkamali sila ng impresyon sa iyo. Malamang magkakaroon ka ng negosasyon na may kinalaman sa pera o ari-arian. May darating na kapamilya na maaaring may dalang surpresa. Lucky numbers at color for the day ay 5, 25, 31, 43 at light blue. CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Makakaasa ka ng pangako tungkol sa mahalagang impormasyon na kailangan. Kung may binabalak na paglalakbay, ngayon maunlad ang araw upang isakatuparan. Malamang makakadalaw sa isang malapit na kaibigan o kamag-anak na matagal nang hindi nakikita. Walang magiging pagbabago sa takbo ng relasyon. Lucky numbers at color for the day ay 6, 15, 26, 31 at white. AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Magkakaroon ka ng malaking dahilan upang makaiwas sa mga regular na gawain. Harapin ang pag-a-unwind upang magkaroon ng panibagong inerhiya at magandang pag-iisip. Magiging maunawain at sensitibo ang nakakataas. Masuwerte ka sa kasalukuyang karelas­yon. Lucky numbers at color for the day ay 3, 12, 27, 38 at pink. PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Makakaramdam ng panghihina at kawalan ng gana sa pagtratrabaho. Kung ano ang hirap na dinanas, huwag sumuko dahil abot-kamay na lang ang tagumpay. May magandang katuparan na aagaw ng atensiyon at pagpapahalaga. Lalo kang mai-in-love sa minamahal. Lucky numbers at color for the day ay 3, 18, 28, 36 at jade green. ARIES ( Marso 21- Abril 19) – Mag-ingat dahil magkakaroon ng balakid ang pinaplanong negos­yo o transaksiyon. Kung may kasosyo, mag-ingat dahil baka magkaroon ng mainitang pagtatalo dahil sa mga kapalpakan o kapabayaan. Kung magkakaroon ng suliranin sa umaga, makakabuti ang mag-relax muna at i-posponed o i-cancel ang mga appointments. Lucky numbers at color for the day ay 5, 9, 17, 34 at apple green. TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Huwag mabahala kung walang naririnig na balita tungkol sa legal matters. Dahil ito ay tatakbo ng matiwasay. Maaa­ring makatanggap ng good news mula sa kamag-anak o matalik na kaibigan. Kung may balitang matatanggap, tiyaking pagtuunan ito ng pansin. Lucky numbers at color for the day ay 2, 18, 27, 38 at violet. GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Mag-ingat dahil ikaw mismo ang gagawa ng sariling kapalaran. Kung may pagdududa sa ginagawa, tiyakin na huwag ituloy dahil babala ito ng kapalpakan o pagkakamali. Mag-ingat sa kakainin dahil magiging mahina ang panunaw at madaling masira ang tiyan o sikmura. Lucky numbers at color for the day ay 3, 19, 21, 35 at orange. CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Iwasan ang maging mapagpuna at mapanghusga sa mga nasasaksihang pangyayari. Kung ano ang masaksihan na hindi maganda mula sa kapwa, huwag magtaka dahil salamin ito ng sarili. Panahon na ngayon na baguhin ang hindi magandang ugali. Lucky numbers at color for the day ay 4, 20, 35, 43 at blue. LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Magiging mahalagang asset ang kaalaman sa sining na dapat ngayon simulan. Kung may balak sa pagnegosyo, ngayon dapat simulan at tiyak matatamo ang kaunlaran. Malamang maging isang mediator ka sa dalawang kaibigan o kamag-anak na hindi nagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 21, 32, 45 at gold. VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Mararamdaman ang paghina ng negosyo kaya agapan ang paghahanap ng tamang solusyon. Gumawa ng makabagong gimmick upang ito ay muling umunlad. Nasa sariling pagsisikap ang ikakaunlad ng negosyo o posisyon sa trabaho. Magsikap para sa sariling pag-unlad, kumunsulta sa isang psychic. Lucky numbers at color for the day ay 17, 22, 34, 40 at purple. philstar/kutob/2013/10/01/1240091/oktubre-1-2013
Posted on: Mon, 30 Sep 2013 23:47:43 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015