----415 kaso ng HIV, naitala noong Mayo by Macs Borja Jul 2, 2013 - TopicsExpress



          

----415 kaso ng HIV, naitala noong Mayo by Macs Borja Jul 2, 2013 11:50am HKT NAKAPAGTALA ng 415 bagong human immunodeficiency virus (HIV) cases ang Department of Health (DOH) sa bansa noong Mayo 2013. Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, director ng DOH-National Epidemiology Center (NEC), na ito na ang pinakamataas na monthly number ng sakit na naitala nila simula nang itatag nila ang Philippine HIV and AIDS Registry noong 1984. Kasabay nito, iniulat rin ni Tayag na dahil sa mga bagong kaso ng sakit ay umabot na sa 1,892 ang kabuuang bilang ng HIV/AIDS cases na naitala sa bansa ngayong taon. Umakyat rin naman sa 13,954 ang kabuuang kaso ng sakit simula nang gawing regular ng DOH ang monitoring sa sakit simula taong 1984. “415 new #HIV cases for May 2013 Year to date is 1,892 From 1984 to now is 13,594. This is the highest monthly number of new HIV cases ever,” tweet pa ni Tayag. Nabatid na ang 415 bagong kaso ng sakit ay mas mataas ng 52% kumpara sa 273 cases na naitala noong May 2012. Sa naturang bilang, 19 ang full-blown AIDS na nang mai-report sa DOH. Ang 409 sa mga biktima ng sakit ay nahawa dahil sa pakikipagtalik habang anim ang nahawa dahil sa needle sharing sa mga drug users at ang 86% naman ng mga kaso ay mga lalaking nakipagtalik sa kapwa lalaki. Sinabi ng health official na sa National Capital Region (NCR) naitala ang 53% ng kabuuang kaso, sumunod ang Region 4-A (13%); Region 11 (10%); Region 3 (8%); Region 7 (4%); at Region 6 (3%). source : remate.ph
Posted on: Tue, 02 Jul 2013 04:40:00 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015