--fantastic-- good morning to all.... horoscope update today - TopicsExpress



          

--fantastic-- good morning to all.... horoscope update today june 29,2013 CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) — Magiging suliranin para sa iyo ang isang kaibigan. Pinansyal o pag-ibig ang siyang ilalapit o ihingi ng tulong mula sa iyo. Kung may tiwala sa sariling kakayahan, walang dahilan na hindi makakita ng magandang paraan sa pag-ayos ng gusot. Ang paggawa sa loob at kapaligiran ng tahanan ay mahalaga ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 1, 12, 32, 40 at emerald green. LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) — Isang pagsubok ang magaganap na kailanganin ang karunungan, talino at pag-iingat. Ang suliraning pampamilya ay madaling malulutas. Maayos ang magiging takbo ng gawain. Lucky numbers at color for the day ay 12, 13, 27, 41 at violet. VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) — Masaya ang romansa. Isang mapalad na transaksiyon ang ma­bubuo. Huwag patangay sa bugso ng damdamin. Maging maparaan sa pakikitungo sa mga kasambahay. Iwasan na mapikon sa panunukso ng ilang kaibigan. Madaling matutugunan ang suliranin kung pagsisikapan. Lucky numbers at color for the dayay 4, 27, 35, 37, at corn yellow. LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) — Pag-ukulan ng pansin ang lumalabong samahan sa kasambahay o katrabaho. Makakaasa sa tapat na kaibigan na handang tumulong. Maging ma­ingat sa kilos at pananalita ng hindi makasakit ng damdamin ng kapwa. Ang pakikisalamuhang sosyal ay magiging masaya kung may dadaluhan. Lucky numbers at color for the day ay 15, 19, 35, 38 at yellow. SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) — Higit na magugustuhan ang pamamalagi sa tahanan. Huwag mangako dahil hindi matutupad. Bigyang hala­ga ang panig ng iba. Kasaganahan ang hatid ng araw kung iiwasan ang magalit. Makakamit ang hangarin kung pasisikapan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 16, 33 at blue. SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) — Huwag patagalin ang bagay na gustong sabihin dahil ito ay magbibigay ng suliranin sa kalaunan. Maging tapat sa sarili at sa kapwa. Iwasan ang magbigay ng suliranin sa kalaunan. Ma­ging tapat sa sarili at sa kapwa. Iwasan ang maging magagalitin. Magkaroon ng malakas na disiplina para sa sarili. Lucky numbers at color for the day ay 8, 35, 40, 42 at gold yellow. CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) — Iwasan ang maging emosyonal sapagkat sisirain ang magandang suwerte mo ngayon. Maging mahinahon at iwasan ang maging magagalitin. Makakatulong ang ilang mga tapat na kaibigan sa anumang kailangan. Iwasan ang manghiram at magpahiram ng pera. Lucky numbers at color for the day ay 7, 26, 31, 40 at ruby red. AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) — Matutupad at maibibigay ang matagal nang naipangako. Iwasan ang gumawa ng bagay na ikakasakit ng damdamin ng iba. Nakasentro ang mga pangyayari sa personal na gawain. May pakinabang sa pinansyal ang dadaluhang sosyalan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 17, 24, 34 at chinese blue. PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) — Magiging taliwas sa inaasahan ang mga pangyayaring magaganap. Iwasan ang drama na magiging emosyonal sa pagtupad ng gawain. Tanggapin ang pagkakamali kalakip ang paghingi ng paumanhin o tawad. Malalantad ang magandang pagkakataon sa hinahangad. Lucky numbers at color for the day ay 4, 8, 28, 39 at jade green. ARIES (Marso 21 - Abril 19) — Paghandaan at huwag paalpasin ang magandang pagkakataong da­rating. May ibubunga na tagumpay ang kasalukuyang ginagawa. Ang pakikisalamuhang sosyal ay mag-iiwan ng karanasan na hindi makakalimutan. Magiging magaan ang pasok ng pera sa negosyo. Lucky numbers at color for the day ay 8, 11, 26, 39 at sun yellow. TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) — Mag-ingat sa anumang ginagawa. Maaaring magbunga ng pagkakamali ang pagkalilimutin. Iwasan ang tukso sa ka­rangyaan. Ang hinihintay at pinanabikang balita ay malamang darating. May hindi sukat akalain na mangyayari ang maganap. Lucky numbers at color for the day ay 6, 22, 40, 41 at purple. GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) — Mula sa pagkakamali ay aral para hindi maulit ang muling magkakamali. Ang karanasan ay mabisang guro sa pagtuwid ng pagkakamaling nagawa. Sikapin na maging maagap sa pagtupad ng gawain. Ugaliin ang mag-ipon para sa magandang kinabukasan. Lucky numbers at color for the day ay 16, 19, 31, 38 at peach.
Posted on: Fri, 28 Jun 2013 22:41:11 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015