-A text from hell- Chapter 2: Nang nasa kalagitnaan ng tulog ay - TopicsExpress



          

-A text from hell- Chapter 2: Nang nasa kalagitnaan ng tulog ay naramdaman nalang niyang bigla na may humaplos sa kanyang mukha dahil ditoy napadilat siya agad, ngunit pagtataka lang ang kanyang nagawa dahil siya lang naman ang tao sa inuupahang boarding house. Lakas loob niyang iniwaksi ang takot na naramdaman at pinilit na bumalik sa pagkakatulog. Kinabukasan pagpasok ulit sa eskwela ay nagtaka siya kung bakit parang nagka-kagulo sa loob ng campus at parang may pinag-uusapan. "Jocelyn? Anong meron?"-tanong niya sa kaibigan ng makita sa hallway. "ahh...may pinatay daw kasi, estudyante din dito satin.." "ha? Sino?" "ewan ko!, basta pagdating ko nagkagulo na sila." Di naman kalaunan ay dumating na din ang magkapatid na Leonardo at Charles. "bat nagkakagulo dun?" "di rin namin alam eh! Basta may nakitang bangkay sa dorm." Natigil ang bulong-bulongan ng dumating ang head ng campus na si Ms. Veronica. "magsi balik kayo sa classroom niyo!"-bulyaw nito. Dahil nga sa terror ito ay agad na nagsi alisan ang mga estudyante. Nang makapasok sa classroom ay agad namang nagkwento si Bheka tungkol sa nakitang bangkay sa dorm. "hay naku, di na talaga muna ako uuwi sa dorm! Kalerki, may killer daw kasi baka isunod pakitch!" "Bheka, walang magkaka interes sayo!"-pabiro ni Charles. "heh! Malay mu magka interes sa beauty ko!" "teka-teka nga muna!, sino ba yung namatay ha?"-Leo. "ayy ano.. Sino nga yun! Hhmm yung nursing student na 2 room aways lang sa room ko... Eh Yari Akiko yung name." "Yari? Eh diba yan yung super tahimik na student na kaka-transfer lang dito."-Jocelyn. "Oo, eh mag 7days na palang patay yun sa mismong kwarto niya at naagnas na talaga yung body..pero take note ha! Di man lang namin alam kasi di naman umamuy eh!" "7 days? Ngayun lang napansin?"-Erika. "Oo, eh kasi nga di na siya lumalabas ng room tas pag kinakatok eh wa itich kung sumagot pero pag midnight daw may naririnig silang ring ng phone at katakot kasi halakhak ng demon yung ringtone kaya yun, pwersahang binuksan yung kwarto at dun na nakita!" "wow! Baka adik, trip niya yung ringtone?"-Charles. "gaga! Eh off nga yung cellphone ng makita eh! Kaya yun sobrang weird!"-Bheka "nagpakamatay ba?"-Leo "nope! Pinatay daw..saka super kadiri..kasi sinakal gamit yung kumot niya then after chinop-chop, pinutol yung binti at braso! Tas sinabit yung body sa kisame.." "yucks!"-sambit ni Jocelyn sabay takip sa bibig na parang nandidiri sa narinig. Wala nang imik ang barkada ng marinig ang kwento ni Bheka pero mas nakuha pa ang pansin nito sa kasunod pang binanggit. "may umaaligid daw kasi na textmate killer at yun daw ang pumatay kay Yari Akiko." Napalingon naman agad si Erika kay Bheka. "textmate killer?" "Oo, kakaibiganin ka daw sa text tas pag pumayag ka eh...pagmamay-ari ka na daw niya at kailangan mung sumunod sa mga gusto niya at pag umayaw ka eh, buhay mo ang kabayaran o buhay ng mga mahal mu sa buhay." "sino may sabi?"-Jocelyn "narinig ko sa mga baklang friend ko, pag natipohan ka daw nun eh, gagawa at gagawa yun ng paraan para makuha number mu tas te-textmate ka na! At take note tatawag daw to una ng midnight tas sasabihin niya yung name niya then e-off ulit ang cp..yun daw ang unang senyales na siya na yun at sa pangalawang araw! kalerkit te-text ka ulit na gusto niyang makipagkaibigan" "tapos?"-Erika. "yun nga..makipag friend then mag-aalok na manligaw, eh yun lang alam ko, sa iba wiz na itich! Basta ang importanteng part dun is pag binasted mu daw o ginalit mu eh...buhay ang kabayaran dun!" Dahil ditoy kinabahan ng husto si Erika sa mga narinig napaisip agad siya kay Alex. "Uyy! Erika, namutla ka ata?"-Jocelyn. "ha? Wala may naalala lang." Halos ramdam na ni Erika ang kabog ng puso niya ng magring ang cellphone niya. "incoming call....Alex" Nanlaki ang kanyang mga mata sa takot at kaba, di na niya ito sinagot bagkus ay hinintay niyang matapos ang pag-ring saka siya nag silent ng cellphone. Buong araw na balisa si Erika hanggang sa uwian. "Erika hatid na kita sa inyo?"-sambit ni Leo sa tulalang si Erika. "ha?" "sabi ko hahatid na sana kita? Eh may pupuntahan kasi ako at dadaanan ko yung lugar niyo kaya naisipan kung isabay ka na lang." "ahh, oo sige!" "tara?!"-sabay ngiti nito. Tahimik lang si Erika at pansin ito ni Leo kahit na nakatuka pa siya sa pagmamaneho. "may problema ka?" "wala naman!" "tahimik ka kasi eh?" "ahh..hehe naku iniisip ko lang kasi yung nangyari kay Yari Akiko." "naku! Daig mu pa ang detective ha? Haha"-pambibiro nito. "di naman.." Tawa lang ang sinagot ni Leo kay Erika, hanggang sa makarating nasa boarding house ng dalaga. "oh panu? Dito nalang." "salamat sa pag hatid."-sabay ngiti ni Erika. "basta ikaw!" Nang makababa na si Erika ay agad na pinaandar nani Leo ang kotse. Matapos makaalis ng kaibigan ay pumasok na si Erika sa inuupuhan niyang apartment kung saan nasa ika-anim na palapag pa ng building. Sakay ng elevator ay tahimik at matyagang siyang naghihintay ng maisipang tingnan ang cellphone. Dito na niya napansin na halos lampas dalawampu na ang na-mis niyang tawag kay Alex. Napaisip siyat kinabahan ng di naman sadya, nang biglang huminto ang elevator sa ikatatlong palapag. "ding.."-tunog ng elevator. Bumukas ang pinto ngunit di ito pinansin ni Erika sa pag-aakalang may papasok lang para makisabay pataas. Hanggang sa lumipas ang ilang segundo na walang pumasok na tao, dito na siya tumingin at natanaw ang lalakeng naka-cup at naka black leather na jacket na nakayuko. Sabay nang pagsara ay siya ring pagtingin nito sa kanya na sinabayan ng ngiti. Kahit na nakasara na ang pinto ay di-parin niya maalis ang pagkakatitig dito, mas umigting pa ang pagkabog ng kanyang puso hanggang sa makarating ng 6th floor. Nagda-dalawang isip pa siyang lumabas dahil sa lalakeng nakita kanina, pero wala siyang magagawa kesa sa dun lang siya sa elevator. Patakbong tinungo ni Erika ang kanyang apartment, at tarantang binuksan ang pinto at nang makapasok ay mabilis at malakas niya tong isinara. >itutuloy... #Violet
Posted on: Wed, 02 Oct 2013 03:39:50 +0000

Trending Topics



style="margin-left:0px; min-height:30px;"> Telephone companies ne hal hi me dam badaye jo internet pack pehle
E taku mama nakoiu n ana reta " E rang kakawaki Tinam, ko kona n
Mateus 8 - 1. E, DESCENDO ele do monte, seguiu-o uma grande
Creates mechanisms to prevent domestic and family violence against
#EdmontonJobs Accounting Clerk - Accountemps - Edmonton, AB -
does anyone know who was driving a silver Toyota yaris on alburt
Hey Ally, thanks for tagging me! Here are ten books that have
LADIES AND GENTLEMEN !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! IM

Recently Viewed Topics




© 2015