13 lugar, signal No. 1 sa bagyong Gorio Written by Jun Desca - TopicsExpress



          

13 lugar, signal No. 1 sa bagyong Gorio Written by Jun Desca Published in Top Stories Friday, 28 June 2013 17:56 Lalo pang tumindi ang epekto ng bagyong Gorio sa Mindanao at nagbabanta sa Eastern Visayas at Bicol Region kahit hindi pa tumama ang sentro nito sa kalupaan ng Pilipinas. Ayon sa Pagasa, lalo pang lumapit ang bagyo sa kalupaan na kaninang hapon ay natukoy ang sentro nito sa layong 290 kilometro sa silangan ng Surigao City. Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometro bawat oras at umuusad sa bilis na 19 na kilometro bawat oras sa direksyon ng kanluran hilagang kanluran. Kung hindi magbabago ang direksyon ng bagyo, magla-landfall o tatama ang sentro nito sa Samar provinces bukas ng tanghali at tutumbukin ang Bicol Region paputang Central Luzon. "Tropical Depression "GORIO" is expected to be at 60 km Southeast of Catarman, Northern Samar by tomorrow afternoon. By Sunday afternoon, it will be at 40 km Northeast of Infanta, Quezon and at 150 km West of Laoag City by Monday afternoon," ayon sa Pagasa. Sa ngayon nagkakaroon na ng mga pag-ulan sa bahagi ng Mindanao at Visayas dahil malawak ang dalang kaulapan ng bagyo. Dahil dito, nasa signal number one ang Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Burias Island, Masbate, Polilio Island, Samar, Leyte Provinces, Biliran Island, Dinagat Island at Siargao Island. Babala ng Pagasa sa mga residenteng maapektughan ng bagyo, na magdudulot ito ng malalakas na pag-ulan na posibleng hahantong sa mga pagbaha at paguho ng lupa. "Residents living in low lying and mountainous areas under signal # 1 are alerted against possible flashfloods and landslides," ayon Pagasa. - See more at: bomboradyo/news/top-stories/item/9802-13-lugar-signal-no-1-sa-bagyong-gorio#sthash.lSqlLPQb.dpuf
Posted on: Fri, 28 Jun 2013 10:03:03 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015