14 Pinoy seafarers nasagip sa lumubog na barko (Aries Cano) - TopicsExpress



          

14 Pinoy seafarers nasagip sa lumubog na barko (Aries Cano) Nasagip ang 14 Pinoy sailors matapos mapuruhan ang container ship na binayo ng malalaking alon bunsod ng masamang panahon habang naglalayag sa Indian Ocean. Sa ulat ng Bloomberg, inihayag ng Mitsui O.S.K. Lines Ltd. operator ng nawindang na barkong MV Mol Comfort na nagtamo ng matinding damage at inanod ang mga cargo na lulan ng barko pero mapa­lad na lahat ng crew nito ay na-rescue. Tumulong ang Indian Coast Guard (ICG) Mumbai sa coordinated operation para mailigtas ang 26 sailors. Nahati umano at lumubog agad sa karagatan ng Yemen ang MV Mol Comfort, ayon sa isang opisyal. Nangyari ang insidente nitong Lunes, Hunyo 17, ngayong taon. “…when the hull of the 316-metre-long cargo container ship -- MV Mol Comfort -- broke into two and the crew was forced to abandon it,” pahayag ni ICG Mumbai Commander S.P.S. Batra. Sinasabing nasa lokasyong 200 nautical miles ang barko mula sa Yemen at 840 nautical miles sa kanluran ng Mumbai nang mangyari ang trahedya. Kabilang sa na-rescue ang 14 Filipino at 12 Russian crew ng naturang barko na may bitbit na 4,500 containers mula Singapore patungong Jeddah. Isinakay sa dalawang life rafts at isang lifeboat ang mga crew na kasalukuyan nang nasa Colombo, Sri Lanka. abante.ph/issue/jun1913/abroad02.htm#.UcCrNecybAM #Admin Anna
Posted on: Wed, 19 Jun 2013 00:30:00 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015