22. Maang na napatitig siya sa mukha nito, pagkuwa’y sa - TopicsExpress



          

22. Maang na napatitig siya sa mukha nito, pagkuwa’y sa nakalahad na palad. Malaki ang palad nito, mahahaba ang daliri, pero kahit maputi iyon, bigla siyang nandiri nang makitang may itim-itim na animo grasang nakakapit doon. Oh, how dare this man para makipagkilala sa kanya! “Puwede ba, kung tapos ka na sa ginagawa mo, lumabas ka na sa kuwarto ko?” nakataas ang kilay na wika niya. “Ha?” “At puwede ba, hindi ako nakikipagkilala kahit kanino, ano?” Ilang sandaling napatitig sa mukha niya ang lalaki, mayamaya ay napalis na ang ngiti sa mga labi nito. “Ang suplada mo naman. Komo ba boy at tubero lang ako, ganyan ka na?” “Puwede ba? Huwag mo akong piliting bastusin ka, ha? Lumabas ka na!” “Sige.” Malungkot itong humakbang palabas., “Pero alam mo, sayang ka.. Ang ganda mo nga, namimili ka naman ng mga taong kakausapin mo nang matino,” wika nito bago tuluyang lumabas. “Ano?”
Posted on: Sat, 06 Jul 2013 02:44:58 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015