#3...angelhunter KAE NAKAUWI PA BAGO PINATAY Ni Armida - TopicsExpress



          

#3...angelhunter KAE NAKAUWI PA BAGO PINATAY Ni Armida Rico Natukoy na ng Task Force kung saan dinukot ang advertising executive na si Kristelle ‘Kae’ Davantes matapos masuri ang ilan pang hawak nilang closed-circuit television (CCTV) camera sa isinagawang case conference kahapon sa Camp Bagong Diwa, Taguig City. Sa panayam kay Chief Supt. Christopher Laxa, hepe ng Criminal Investigation Detection Group ng National Capital Region Police Office (CIDG-NCRPO) na siya ring supervisor ng binuong Task Force Kae, sinabi nito na nasuri na ang CCTV na isinumite ng Las Piñas City Police na kung saan nakitang pumasok dakong ala-1:41 ng madaling-araw ang sasakyan ni Kae na Totoya Altis (PIM 966) sa loob ng Moonwalk Village kung saan umuuwi ang dalaga. Subalit makalipas ang may sampung minuto o ala-1:51 ng madaling-araw ay muling lumabas ng village ang sasakyan ni Kae na may kasunod na isa pang sasakyan. “Nakita sa CCTV na pumasok sa village ang kotse ni Kae after 10 minutes ay muling lumabas ito at may kasunod pang isang kotse. Pero ‘yung kuha dun sa kasunod na kotse ay medyo malabo ang kuha hindi makita ang plaka nito kaya’t ito ay aming susuriin mabuti upang ma-trace ito,” ayon kay Laxa. Pansamantalang hindi muna binanggit ni Laxa ang kulay ng kasunod na sasakyan ng biktima. “Dito kami ngayon popokus o tututok sa lugar na nakitang pumasok at agad na lumabas ang kotse ng biktima kaya’t malinaw na doon sa village ito hinarang,” dagdag pa ni Laxa. Sinabi pa ni Laxa, na kanya nang inatasan ang Task Force Kae na magsagawa ng masusing im­bestigasyon at maghanap ng mga testigo sa lugar dahil, aniya, maaaring nagkaroon ng komosyon nang dukutin ang biktima. “Kailangan makakuha kami ng testigo dito, hindi puwedeng wala dahil kitang-kita sa CCTV na pumasok at agad na lumabas ng village ang sasakyan ni Kae,” sabi pa ni Laxa. Sa ngayon ay patuloy pang sinusuri ng Task Force Kae ang mga natitira pang CCTV na kanilang hawak na maaring makatulong para maresolba ang pagkamatay ni Kae. Kaugnay nito, nanawagan na rin si Laxa sa mga residente ng Moonwalk Village na kung sino man ang nakakita sa insidente ay lumutang lamang sa kanilang tanggapan at makipagtulungan sa isinasagawang imbestigasyon para sa ikalulutas ng kaso. Samantala, sa patuloy na pagsusuri sa narekober na sasakyan ni Kae ay nakakita umano ng isang kapiraso ng seat belt nito ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa loob ng kotse na may bahid ng dugo. abante-tonite/issue/sep2113/news_story01.htm
Posted on: Sat, 21 Sep 2013 01:23:15 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015