60,000 pamilya sa preemptive evacuation sa Albay Written by - TopicsExpress



          

60,000 pamilya sa preemptive evacuation sa Albay Written by Bombo Legazpi Published in Top Stories Saturday, 29 June 2013 13:19 LEGAZPI CITY - Anumang oras mula ngayon, inaasahan na ang pagpapalikas sa mga residente sa lalawigan ng Albay kasama na ang aabot sa mahigit 60,000 na mga pamilya na namemeligro sa baha at landslide. Ito ay kung magpapatuloy pa ang malakas na ulan na nararanasan ngayon dahil sa bagyong Gorio. Sa kautusan PDRRMC chairman Gov. Joey Salceda, sinabi nito na mandato na ng mga Barangay Disaster Risk Reduction and Management Council (BDRRMC) ang pagpapalikas sa kanilang mga residente sakaling makitaan na nang peligro sa kanilang mga nasasakupan. Plano ng lokal na pamahalaan na kung hindi tumigil ang malakas na pag-ulan hanggang hapon ngayong araw ay sisimulan na nila ang pre-emptive evacuation kung saan mas delikado kung aabutan ng dilim. Nakapaloob sa abiso ng PDRRMC na sa loob lamang ng limang oras ay nasa 97.8mm na ang buhos ng ulan lalo na at papalapit umano ang mata ng bagyo Una nang ipinatupad ang pagsuspendi sa lahat ng opisyal na pampublikong mga aktibidad, school activities kabilang na ang klase o pasok sa lahat ng antas (lebel) sa pribado man o pampublikong paaralan. Samantala, umakyat na sa mahigit 2,000 na mga pasahero ang naitalang stranded ngayon sa mga pantalan sa rehiyon. Pinakamaraming naitala ay mula sa mga pantalan sa Sorsogon na may kabuuang aabot sa 1,643 (Pilar, Matnog, Bulan Port), Albay na may 297 na mga stranded na pasahero (Pio Duran, Tabaco, Legazpi Port), Catanduanes 85; Masbate 61 at Camarines Sur na may 88. Maliban pa ito sa aabot sa 24 na mga stranded na Ro-Ro vessel, 65 na mga light cars, 46 na mga pampasaherong bus, 118 na mga trucks at 11 na mga motorbanca. Ayon kay PO2 Rommel Mandreza ng Coast Guard District Bicol, sa kanilang talaan, maaari pang madagdagan ang nasabing bilang anumang oras dahil sa patuloy na nararanasan sama ng panahon. Sa kabilang dako, kanselado na rin ang ilang domestic flights dahil pa rin sa masamang panahon kasama na ang Cebu Pacific flight 5J-328 at 5J-330, 5J-173, 5J-324 na biyaheng Manila-Legaspi at biyaheng 5J-323, 5J-329, 5J-327 at 5J-172 mula Legazpi-Cebu and Legazpi to Manila. Habang ang Philippine Airlines naman ay nagkansela na rin ng biyahe mula kaninang ala-10:30 ng umaga na flight 2P926. - See more at: bomboradyo/news/top-stories/item/9921-60-000-pamilya-sa-preemptive-evacuation-sa-albay#sthash.LzWo3Box.dpuf
Posted on: Sat, 29 Jun 2013 12:59:33 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015