#709 Ive been on weeks of struggle since wed talk about - TopicsExpress



          

#709 Ive been on weeks of struggle since wed talk about something that we had in the past. Our story started when I heard his music and saw him at a bench under a tree, of the now what you call PREVAT CENTER. I was enrolling then for my first year at this university. Kung hindi ako nagkakamali, eternal flame ang tinutugtog nya sa gitara nya non. I was on a line next with the girls that were chatting so loud yet I could still managed to hear his wonderful music. Hindi sya naka-uniform non, kaya naisip ko na baka graduating na sya. I kept on eyeing him habang nasa pila ako. Hes very attractive. Maputi. Ang linis nya tingnan. He had this slightly long hair na properly trimmed yung side. He had his green acoustic guitar and his backpack on the table. Hes so cute. And at that moment, naging crush ko sya. The day had passed and I had never seen a glimpse of him again.. So here comes my first day of being one of the freshmen. Excited ako and wala na rin sa isip ko yung crush kong magaling maggitara sa ilalim ng punong mangga. Days had passed, Ive met new friends, naging familiar na din ako sa lugar sa campus and nagsimula na din ang pagragasa ng schoolworks. There was this time that we needed to go to the library and hunt for a particular book that could help us at our seat work. It was an hour after lunch. Sakto, walang masyadong tao sa library. Habang naglalakad kame sa footbridge-like hallway papuntang maindoor ng library, I felt a familiar heartbeat coming from my chest. Then I realized myself walking towards this guy, looking handsome on his school uniform, wearing his backpack on a single strap and at the other side of his shoulder was his guitar, he was wearing a headset and for no good reason, an eyeglass on the back of his head. Kinabahan ako bigla paglampas nya. Yes. He was the guy I saw under the tree. Sya yon. Akala ko graduate na sya. And I wonder kung anung year na kaya sya. Days and months had passed, hindi ko na din (ulit) madalas makita yung lalaking maputi na laging naka.headset. but every time na makikita ko sya sa kahit saang sulok ng school, napapatili ako sa sobrang kilig. Oo. Malandi ako. Hahaha! Natural lang yata yun sa mga babae kapag may crush sila. Well sakin natural yon. Hahaha! Anyway, it was 2nd semester of the school year 2010-2011 when I almost didnt have some tili moments with this guy. Naging busy kasi kame nun. Then lumipas ang araw...bakasyon na. 2nd year ako non and honestly, sinisimulan na nilang ipatibag yung mga benches sa tapat ng computer rooms ng campus ngayon (ict-a) [if im not mistaken, 2nd year ako non]. Pagka-enroll ko, sumagi sa isip ko yung lalaking maputi na laging naka.headset, Enroll pa kaya sya? Graduate na kaya sya? Ano kayang year nya na? Buong taon ng 1st year ko isa syang misteryo sakin. I had never asked for his name. I had never ask who he is, whats his course, o kung ano pa man. Sa sobrang pagka.crush ko kasi sa kanya, gusto ko kusa kong malalaman yung mga impormasyong yon ng hindi ako nagtatanong. Paniniwala ko kasi, baka sign yun. Hahaha! Well dont jugde me. It was our campus foundation day nung makita ko sya as one of the band members nung isang bandang sumali sa battle. And nandon ako nung iinannoune yung award na nakuha nya at dun ko nalaman ang pangalan nya. Sobra kong tuwa kasi unti unti nakikilala ko sya. :) Ngayon, yung lalaking maputi na naka headset ay may pangalan na. Mas madalas ko syang makita nung 2nd yr na ko. 2nd yr din ako nung nagka.boyfirend ako ulit pero crush na crush ko pa din sya. Nagkahiwalay kame nung bf ko that time pero crush ko pa din sya. Lumipas ang taon, 3rd year na ko. Dito na lumiit yung mundo namen. Kusang lumabas sa bibig ng kaibigan ko mula sa ibang department na kaklase nya pala si kuyang laging naka-headset. At dun ko nalaman na graduating na sila at yun ang course nya. Narealize ko, it took three years for me to know all of these things about this guy. Sa totoo lang pinapantasya ko talaga sya noon. Hahahaha! Then my classmates had known him already. That hes my long time crush at kapag dumadaan sya sa harapan namen, talagang inuulan ako ng kantyaw. Before the first semester end, one night of october, may nagtext sakin with an unfamiliar phone number. At sa hinaba haba ng tanungan kung sino sya, halos mahulog ako sa kama ko nung malaman kong si kuyang naka headset pala ang nagtext sakin. At hindi ako nagdalawang isip na makipagtext sa kanya. Halos gabi gabi kame magkausap. I felt like im in a cloud9. Haha! Doon na nga nagsimula ang closure. Bago matapos ang taon, naging tandem kame. Taga-gitara sya ako ang kakanta. Lagi kami sabay umuwi, sabay kumain o kaya lagi nya kong dinadalhan ng pagkain (ng palihim) kapag alam nyang ngarag ako sa thesis katulad nya. Walang nasayang na pagkakataon bago sya grumaduate. Lagi kaming inaabot ng 8pm sa bench kasama ang barkada ko. Sumama din sya sa xmas party ng college namin kahit di naman sya taga don, di nya daw kasi ako matanggihan. Mau nanliligaw sakin ng mga panahong nagkakaunawaan kame pero alam nila pareho (nya at nung manliligaw ko) na gusto ko munang makasigurado kung sino sa kanila ang gusto ko. Sa sobrang pagka.gusto ko sa kanya, nagawan ko sya ng tula. Mga tula na naipile ko sa isang notebook kasama ng mga dates at araw na naging masaya kame pareho. Oo. He had became a part of me. At plano kong ibigay sa kanya ang notebook na yon bago sya grumaduate. March 22 2013. I successfully handed him the notebook. Nagkaiyakan pa. Gagraduate na kasi sya at minsan na lang kami magkikita. Sabi nya pagpasa nya sa exams, babalikan nya ko. At natapos ang pag.uusap namin sa PINKY SWEAR. Parang bata pero naicherish ko yung moment na yon. Lumipas ang maghapon ng graduation, nagtext ako sa kanya. Nag.congratulate. But he never replied. Sabi ko baka busy lang. Lumipas mga araw.. di pa din sya nagrereply at sumasagot sa mga tawag ko. Hanggang sa ang arae naging linggo at ang linggo ay naging bwan. Masakit. Oo. Para akong naiwang naka.hang. 1month ako nagluksa. Pero sinigurado ko na bago ako bumalik sa school dapat wala ng sakit. Success. I made it! August 2013 nagkaron ako ng boyfriend. And one sept night of the same year, a friend sent me a forwarded text message saying that si kuyang naka headset was hurt kasi nagka.bf na ko. This and that. Naiyak ako kasi I feel bad about him. May gabing sinisi ko ang sarili ko kasi sana pala naghintay pa ko... Tahimik ang mundo ko mula nung maghiwalay kame nung bf ko nung oct din the same year. Hanggang graduation I never heard anything from kuyang naka headset. Until one night.. Sept 2014, nagtext ulit sya sakin. Napatawad ko na sya at alam ko ddinsa sarili ko na di na ko bitter kaya naging mas kumportable akong katext sya nung gabing yon..pagkagaling ko sa trabaho. hanggang sa lumalim ang pag.uusap. at halos araw araw na ulit nya akong tinetext at tinatawagan. Hanggang isang gabi umamin sya. Di ko alam kung matutuwa ako o malulungkot para sa kanya. Why? Because I never feel the same way anymore. Hindi ko na sya gusto katulad ng dati. Mahigit limang taon ko syang parte ng sistema ko pero hindi ko alam kung anung nangyari, bigla na lang wala na yung kilig. He was still the man that Ive fallen for...fallen for.. past tense. Siguro nga ganun talaga. Siguro yung akala nating FATE natin, minsan sablay. :) Naopen ko to kasi baka may mga katulad ako jan na ganun din ang nagin situation. Na sa bandang huli, marerealize mo na yung taong pinapangarap mo noon, maaring hindi mo na sya pangarap ngayon. Lesson? Wala. Wag lumandi. Hahaha! P.s. im currentlu in a more steady state of relationship right now. :) with someone I couldnt imagine that will be mine. Salamat po. Pasensya nobela e. ^_^ sponge girl Morong Campus Science College Graduate
Posted on: Sun, 26 Oct 2014 10:24:02 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015