8 MNLF sumuko, 6 pang hostages napalaya - DILG Tuesday, 24 - TopicsExpress



          

8 MNLF sumuko, 6 pang hostages napalaya - DILG Tuesday, 24 September 2013 13:23 ZAMBOANGA CITY - Nasa anim na mga miyembro ng Misuari faction ng MNLF ang sumuko sa mga otoridad kaninang umaga sa Zamboanga City habang anim ding mga hostages ang napasakamay ng Hostage Processing Unit ng Local Crisis Management Committee. Una rito, sumuko ang anim na mga rebelde sa tropa ng pamahalaan kasama ang isang hostage habang nagpapatuloy ang operasyon ng government forces sa may Barangay Sta. Catalina. Sumunod ding nakuha pasado alas-9:00 ng umaga kanina ang nasa limang mga hostages sa may Lustre Drive, Barangay Sta. Barbara. Napag-alaman mula sa mga hostages na kusa silang iniwan ng mga rebelde sa lugar habang pilit silang tumawid sa ibang lugar para makapagtago. Matapos makuha ang mga hostages, isinailalim muna sila sa interogasyon ng militar para masiguro na lahat sila ay mga hostages at walang makakalusot na mga miyembro ng MNLF. Sa bersyon naman ni DILG Secretary Mar Roxas, walong MNLF rebels ang panibagong sumuko ngayong Day 16 ng standoff, kung saan may ilang kasama na commander at dalawa pa ang sugatan. Si Michael Sanchez na minsan na ring na-interview ng Bombo Radyo Philippines ay siyang nagkumpirma rin na kasama sa mga napalaya ang kanyang pamangkin na si Darene Ibanez na isang 3rd year college Marin Engineering student ng Zamboanga State Collage of Marine Science and Technology (ZSCMST). May tama umano ito ng bala sa kanyang paa at dinala na sa pagamutan kasama ang iba pa na may sugat din sa katawan. Unang isinailalim kanina sa mahigpit na imbetigasyon ang napalayang estudyante dahil napag-alaman ng otoridad na tubong lalawigan ng Basilan ito. Sa kabilang dako naman, patuloy pa rin ang palitan ng putok sa mga lugar na pinagkukutaan pa rin ng mga rebelde. Isa ring malaking sunog ang nangyayari sa may boundary Barangay Rio Hondo at Barangay Mariki kung saan kahapon hanggang kagabi ay nasa dalawa hanggang tatlong sunog na ang sumiklab sa lugar. Sa may Barangay Mariki, may nananatili pa rin umanong mga armadong MNLF kung saan pasado alas-10:00 kagabi nang sinubukan sanang pasukin ng tropa ng mga sundalo ang lugar na ito pero dalawa sa kanila ang nasugatan matapos ma-target ng mga rebelde. (MRDS)
Posted on: Tue, 24 Sep 2013 15:46:33 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015