A MILLION TIMES Written by: Jinky Tomas CHAPTER - TopicsExpress



          

A MILLION TIMES Written by: Jinky Tomas CHAPTER 35: Nakabihis si Catherine ng mabungaran ni Celestine sa hapag-kainan. “May pupuntahan ka ba, anak?” Mataray na sumagot si Cathie. “Kailangan pa bang tanungin? Nakikita mo naman siguro kung ang suot ko ay pambahay o panlakad. Why you are asking, anyway?” “Wala naman, anak. Para kasing hindi ka pa nag-aagahan pero lalabas ka na.” “Huwag niyo akong kausapin in that tone. I can do whatever I want and dont act like you are concern about what I will going to do. Stop your plasticity.” Walang tinig na namutawi sa mga labi ni Celestine sa mga sandaling iyun. Para siyang nasa kadiliman at walang makapang mga salita para sagutin ang anak. Ang kanyang dila ay umurong at pinili na lamang niyang manahimik. Umaasa siyang darating ang panahon na babalik din sa dati si Catherine. Natutuwang pinagmamasdan ni Eduard ang painting na nakasabit sa kanyang art room kahit pa sa kaibuturan ng kanyang puso ay namamahay na kalungkutan ito. Napakaganda ni Winter sa larawang iginuhit niya. Dalawa, tatlo, apat. Apat buwan na ang nakalilipas mula noon. Pilit man niyang iwinawaglit ang dalaga ngunit patuloy pa rin itong nagsusumiksin sa kanyang diwa. “Eduard!” Napalingon siya. Nagulat siya sa biglang pagbukas ng pintuan ng iniluwa doon si isabela. Ngunit, higit na kapansin-pansin ang malaking pagkagulat ng dalaga ng makita niya ang painting. “That damn ass!” Napalapit siya sa painting. “Really, Eduard? Siya ba ang ipininta mo na pinakahuli at sinasabi mong great art mo?” “Isabela...” Wala siyang alam na sabihin sa mga sandaling iyun. Alam niya kung gaano ka-insecure si Isabela kay Winter dahil higit siyang naglaan ng oras para sa dalaga kaysa sa kanyang kaibigan. Lalo lamang itong magagatungan dahil sa nakita niyang obra. “What is wrong with you, Eduard? Bakit siya pa? Hindi mo na ba mahal si Aurora?” Natigilan si Eduard sa tanong ng dalaga. Dalawang taon na ang nakaran noong nawala ang kasintahan. Walang ibang ginawa si Isabela kundi ang tulungan siya para makalimot. Bakit ngayong unti-unti na siyang namumuhay na malaya sa ala-ala nila ng dating kasintahan ay muling ibinabalik ni Isabela ang lahat? Tapos na ang kanyang pagtatanong when she realized she something inappropriate. Sa pananaw niya, mas maganda pang ang patay na lamang na bestfriend ang iniisip ni Eduard, matatanggap niya iyun dahil ala-ala na lamang ang kanyang kaagaw. Pero not Winter! Never! “Naiintindihan kita, Isabela. Alam kong masakit din para sa iyo ang pagkawala ng bestfriend mo pero hindi naman sana maging dahilan para pigilan mo akong magmahal ng iba. Wala na si Aurora at kailangan kong maging masaya.” “Mahal! Mahal mo ang babaeng iyun, Eduard? Paano naman ako? Bakit hindi mo ako makita? Nasa tabi mo lang ako at mahal kita!” Hindi napigilan ni Isabela na sabihin ang tunay na nararamdaman niya para dito. “I-Isabela, ano bang pinagsasabi mo? Anong mahal?” “Eduard, manhid ka! Napakamanhid mong tao! Oo, mahal kita. Mahal na mahal kita sa kabila ng palaging hindi mo pagbibigay sa akin ng atensiyon, Eduard! All my life, tiniis kong itago dahil gusto kong maging masaya kayo ni Aurora. Ngayong patay na siya, may Winter na naman! Ano ba, Eduard? Mahalin mo naman ako!” Lalong naguluhan si Eduard sa mga rebelasyon na kanyang naririnig. “What are you saying?” “Damn you, Eduard! I hate you!” Nagtatakbong lumabas ang dalaga na dala sa kalooban ang labis na hinanakit nito sa buhay. “Cathie! Cathie!” Nagtilian ang mga taong nasa pwestong iyun ng may isang makapansin sa kanya. Kahit simple ang kanyang kasuotan at wala siyang make-up gaya ng naksanayan niya ay mayroon pa rin palang nakakakilala sa kanya. Kumaway siya sa mga ito na lalong nakatawag ng pansin sa mga naroon. Nang mapansin niyang may mga iba ng sumusugod sa kanyang kinatatayuan ay mabilis siyang gumawa ng paraan. Tumalilis siya ng takbo patungong comfort room para magbihis. Mabuti na lamang at nakabili muna siya ng mga damit bago siya tuluyang nakilala. Alam niyang paglabas niya ay hindi nila mahahalata. Naging malikot ang mga mata nito. Isinuot niya nag kanyang shades at mabilis na naglakad paalis ng bigla siyang nabangga ng katawan ng isang lalake. “Sorry, miss! Nasaktan ka ba? Pasensiya ka na at hindi kita agad nakita.” Pamilyar sa kanya ang tinig na iyun. Alam niyang nag-iisa lang ang lalakeng pwedeng magmay-ari ng boses na kanyang naririnig. Gusto niyang makatiyak kung hindi nga siya nagkamali. Iniangat niya ang kanyang paningin. May luhang namuo sa kanyang mga mata. Tama ang kanyang hinala. “D-Dexter.” Tinitigan ng binata ng maayos ang babaeng nabunggo niya. “Cathie...” “C-Can we talk?” “No! Kung mayroon mang taong pinakaayaw kong kausapin ay ikaw iyun, Cathie.” “Please?” Tinalikuran niya ang dalaga. ITUTULOY...
Posted on: Wed, 19 Mar 2014 19:22:18 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015