ABANTE NEWS: JULY 10, 2013 Milyong OFWs idi-deport (Bernard - TopicsExpress



          

ABANTE NEWS: JULY 10, 2013 Milyong OFWs idi-deport (Bernard Taguinod) Halos isang milyong Filipino na iligal na naninirahan at nagtatrabaho sa iba’t ibang panig ng mundo ang nanganganib na mapabalik sa Pilipinas dahil sa isinasagawang crackdown ng iba’t ibang bansa sa mga undocumented foreign national sa kanilang teritoryo. Ito ang ibinabala nina Bayan Muna Party-list Rep. Neri Javier Colmenares at Carlos Zarate kasunod ng mga ginagawang paglilinis ng iba’t ibang bansa sa mga undocomunted foreign natio­nal sa kanilang bansa kasama na ang mga Filipino. Ayon sa dalawang mambabatas, hindi lamang sa Saudi Arabia nagkakaroon ng crackdown dahil maging sa South Korea at Japan ay inaaresto na rin umano ang mga Filipino na ilegal na ninirahan sa kanilang bansa. Sinabi ni Colmenares na mayroon na umanong 75 Filipino na ang sabay-sabay na pinabalik sa Pilipinas at tinatayang 20,000 hanggang 30,000 ang target Filipino ang target ng Japanese government sa kanilang isinagawang crackdown. “The same is also happening in South Korea, where around 40,000 to 50,000 undocumented OFWs are being targeted for mass deportation,” pahayag ni Colmenares kahapon. Umaabot naman umano sa 20,000 hanggang 25,000 Filipino ang ilegal na naninirahan at nagtatrabaho sa Middle East-North Africa na posible rin umanong maapektuhan sa crackdown. Sa nasabing bilang 12,000 ay nasa Saudi Arabia. Nangangamba naman si Zarate na kung hindi aaksyon ang gobyerno ng Pilipinas at tulungan ang mga Filipino na a­yusin ang kanilang mga papeles ay aabot sa 900,000 ang mapapabalik sa bansa.
Posted on: Tue, 09 Jul 2013 21:53:33 +0000

Trending Topics



sttext" style="margin-left:0px; min-height:30px;"> So many backlogged issues to write on, but will focus on modeling
Am looking for a position In Hungary in Budapest. I do not have a
**REVIEWERS/BLOGGERS WANTED** Blog Tour, January 12-23,
SEASON TWO #Insert47 bendinomsindo kakhulu yazi ngoba
Below is a letter I sent to Senator Nelson and his response ..
LADIES,WHO DO YOU THINK COULD SAVE YOU? SUPPOSE--Youre a girl

Recently Viewed Topics




© 2015