ABS-CBNnews Posted at 05/08/2014 4:15 PM | Updated as of - TopicsExpress



          

ABS-CBNnews Posted at 05/08/2014 4:15 PM | Updated as of 05/08/2014 8:32 PM Sergeant who linked Danding to Ninoy assassination dies MANILA – One of the soldiers implicated in the 1983 assassination of former Senator Benigno Ninoy Aquino Jr. died in a vehicular accident earlier this week. Former Air Force M/Sgt. Pablo Martinez was hit by a car while riding a bike near SM Mall of Asia last Monday, according to his son Diomedez. Martinez, 78, was rushed to nearby San Juan de Dios Hospital but died on Wednesday morning due to multiple organ failure. The driver of the car that hit the former sergeant was arrested. The driver, however, reached a settlement with the Martinez family. Martinez is one of the 16 soldiers convicted in the assassination of the former senator and Rolando Galman on the tarmac of the Manila International Airport on Aug. 21, 1983. The senator was stepping off the tarmac while under heavy guard when he was shot on the head. Seconds after, aviation security men shot dead Galman, who was accused of assassinating Aquino. Martinez was granted pardon by former President Gloria Macapagal Arroyo in 2007. Mrs. Arroyo pardoned Martinez based on her declaration that convicts aged 70 are eligible for pardon. In an interview with ABS-CBN News on November 22, 2007, Martinez insisted that it was Marcos crony, Eduardo Danding Cojuangco Jr., who masterminded the assassination. Martinez was also firm on his claim that it was Galman who shot the former senator, father of incumbent president Benigno Noynoy Aquino III. Nagsasabi lang ako ng totoo. Dahil ang sinasabi ng pamilya Aquino, hindi raw si Galman kundi isa raw sa mga sundalo ang pumatay. Hindi po. Hindi po, Martinez said. Ang nakita ko talaga si Galman. At siya ang kasama ko eh. Ako ang nagpasok sa kanya sa tarmac. At ang kasalanan ko dun kung hindi sa akin na ako ay sumusunod lang naman sa kautusan, hindi papasukin si Galman dahil wala siyang authority. Wala siyang access doon sa lugar na yun. Kung kayat may pasok kami dahil kasama ko siya at ang sinakyan pa namin sasakyan eh sasakyan ng vice-commander dati, si Col. Ochoco, Romeo Ochoco. Asked how Galman carried out the assassination, Martinez said: Nagbunot siya ng revolver nya pagkatapos binaril niya ng kwan talaga, sa left side ng aide ni ex-senator Aquino. Binaril nya. Malapitan kaya hindi mimintis. Martinezs remains are set to be brought to the Philippine Air Force Mortuary in Taguig City today. – with a report from Zhander Cayabyab, dzMM Transcript of ABS-CBN Interview with Pablo Martinez, co-accused in the Aquino murder case PUBLISHED ON NOV 23, 2007 This is a transcript of the interview (in Filipino) aired on ABC-CBN News on November 22, 2007 where Pablo Martinez , one of the convicted suspects in the murder of the late Senator Benigno Aquino, Jr., reiterated what he said in his confession that Eduardo “Danding” Cojuangco ordered the killing of the opposition leader upon his return from exile in 1983. Martinez, who was recently granted pardon by President Gloria Macapagal Arroyo, was interviewed by ABS-CBN Anchor Julius Babao. MARTINEZ: Mga kasama, hindi ko na babanggitin ang mga pangalan ninyo. Dalawang bagay ang nararamdaman ko, una ako ay masaya nagagalak ako dahil makakasama ko na rin ang paking pamilya sa labas. Maaring magkakasama kami sa pasko o ano mang bagay na pagsama samahan ng mga pamilya. Nalulungkot ako dahil mami-miss ko kayo. Yung bonding natin para bang magkakaroon ng gap pero hayaan ninyo dahil kung may pera ako at pamasahe eh dadalaw-dalaw ako pero sabi naman ni attorney hindi na rin… Hindi na rin kayo tatagal dito. Yan ang sabi ni attorney sa akin, kasunod na raw kayo. So kung sino man sa inyo ang may hinanakit, hahahaha, humuhingi ako ng kapatawaran sa bawat isa sa inyo. Tuloy ko na ipanalangin kayo. Ako’y isang alagad na rin ng diyos nilang pastor at alam ko na ang sabi ng banal na kasulatan, the prayer of the righteous… Kaya ano bang hihilingin ko, ipagkakaloob ng panginoon. Naniniwala ba tayo dun? So sana po yung may sama ng loob sa akin Hahahaha alisin na ninyo yan at kahit kailan man ilang taon tayo nagsama-sama hindi ako nagkaroon ng galit sa inyo. Minahal ko kayo at siguro ay pakiramdam ko naman ay minahal nyo rin ako. Sa hirap at ginhawa nagsama tayo, nagkataon lamang na siguro kaya binigyan ako ng conditional pardon dahil matanda na ako. Ako’y 70 yrs old na at mayroon batas naman kasi na ganoon. Wag kayong maghinanakit kung ako’y sumulat, oo sumulat nga ako dahil batas eh. Alangan naman pabayaan ko yung sinasabi ng batas eh, si grinasp ko na yung pagkakataon na yun at awa naman ng diyos ay pinakinggan ako. At ang ginamit ay ang mahal na attorney at saka yung priest na sumulat, si Mister Efren Montaño maraming salamat din po sa inyo. At saka yung sa investigation doon sa pangyayari, yung mga experts naniwala din ang higher ups na hindi sundalo ang pumatay. Kundi ito ang pinagdidiinan namin na talagang si galman talaga ang bumaril ang kaso nga laang, ang aquino pamilya hindi sila maniniwala. At ang sabi nila sa amin, ang sabi nila sundalo ang pumatay. Hindi po. Ako’y pastor, sagutin ko yan sa panginoon kung ako’y magsisinungalinig pa. Hindi magiging katanggap-tanggap sa panginoon kugn ako’y maglilingkod samantalang ako’y sinungaling. So mga kasama, ipagpaumanhin ninyo. Alam ko ang mga kasama kong ito sa loob ng ilang taon magkasama-sama kami, naniniwala ako na wala silang nalalaman sa kaso. So sana po makarating din sa presidente ang daing naming ito atsaka kay ginang cory na alisin nila sa isip nila na isa sa mga sundalo ang pumatay. Hindi po. Si Galman talaga ang bumaril kay Aquino. Hindi ko sinasabing maniniwala kayp pero yan ang katotohanan. Yung sinasabi ko ay pawang katotohanan lamang. Kaya’t maraming maraming salamat Po. Maraming maraming salamat. BABAO: Ano pong ibig nyong sabihin nung sinabi nyong si Galman talaga ang bumaril kay Ninoy? MARTINEZ: Nagsasabi lang ako ng totoo. Dahil ang sinasabi ng pamilya Aquino, hindi raw si Galman kundi isa raw sa mga sundalo ang pumatay. Hindi po. Hindi po. BABAO: Ano po ba ang nakita nyo noong araw na yun? MARTINEZ: Ang nakita ko talaga si Galman. At siya ang kasama ko eh. Ako ang nagpasok sa kanya sa tarmac. At ang kasalanan ko dun kung hindi sa akin na ako ay sumusunod lang naman sa kautusan, hindi papasukin si galman dahil wala siyang authority. Wala siyang access doon sa lugar na yun. Kung kaya’t may pasok kami dahil kasama ko siya at ang sinakyan pa namin sasakyan eh sasakyan ng vice-commander dati, si Col. Ochoco, Romeo Ochoco. BABAO: nakita nyo ho ba nung binaril mismo ni Galman? MARTINEZ: nakita ko dahil magkasama kami. Magkasama kami. Iisang pwesto namin dalawa. BABAO: Paano pinatay ni Galman si Ninoy? MARTINEZ: Binaril nya. BABAO: Papano, pakikwento? MARTINEZ: Nagbunot siya ng revolver nya pagkatapos binaril nya ng kwan talaga, sa left side ng aide ni ex-senator Aquino. Binaril nya. Malapitan kaya hindi mimintis. BABAO: Ano po ang ginawa nyo nung binaril na si Ninoy? MARTINEZ: Ang ginawa ko nagcover ako, tumakbo run ako sa isang malayo layo din ng lugar upang baka ako’y mabaril din dahil ang alam ko yan may kwan yan e, may nagmamanman sa amin din eh, na ibang grupo rin eh, na oras na nayari yun, talagang titirahin kami. Kaming dalawa ni Galman ang titirahin noon. Kaya noong kwan na yun hindi ko na rin iniisip na mabubuhay ako eh. Alam ko na rin na mamamatay ako eh. Pero dahil may hawak ang diyos sa akin at mayroong plano sa akin, nangyari na preserve ang buhay ko. BABAO: So alam nyo po na papatayin talaga si Ninoy? MARTINEZ: Alam ko. Alam ko na papatayin siya. Kaya kami naroroon dalawa ni Galman eh. Pero itong mga kasama ko hidni nila alam. Ang alam nila ise-secure ang pagdating ni ex-senator Aquino. BABAO: Kayo lang ang nakakaalam na papatayin si Ninoy? MARTINEZ: Ako lang nakakaalam at saka si Galman. BABAO: Sino po ang nag-utos nito? MARTINEZ: Ang nag-utos nyan sa akin ay si Col. Ochoco. Na si Col Ochoco naman magkasabwat sila ni General Gatan, yung nasirang General Gatan, magkasama sila. So sa may kwan pa yan siguro eh sila ang nakakaalam nun. Noong kwan kami sabihin ko ba yun nung… [ATTY. PERSIDA ACOSTA] May footage na run eh. BABAO: Ano ho ang gusto nyong sabihin kay Pangulong Aquino? MARTINEZ: Gusto ko sanang humingi ng kapatawaran sa kanya. Kung magkakaroon ng audience sa kanya, aywan ko kung tatanggapin. Hindi sila maniwala eh, sa sinasabi ko eh. BABAO: Bakit ho kayo humihingi ng tawad? MARTINEZ: Kasi kautusan din yan ng Panginoon eh, kung san ka nagkasala eh humingi ka ng kapatawaran doon. BABAO: So inaamin nyo ho na may kasalanan kayo? MARTINEZ: Inaamin ko na may kasalanan ako. BABAO: Ano po ang inyong kasalanan? MARTINEZ: Ang kasalanan ko ay ako ang nagsama kay Galman doon sa tarmac. At ang napakaimportante dyan alam ko na papatayin siya kasi po kung hindi ko naman tatanggapin yung trabaho na yun sinabi na sa akin eh, ang ang gaganunin ako delikado dyan. Di sinugal ko rin buhay ko. BABAO: Ano ibig nyong sabihin kanina na ang mensahe nyo sa kanila wag sana sumama ang loob. Meron bang sumama ang loob sa kanila? MARTINEZ: Ay ang akin kwan lang, pakiramdam, baka mayron. Baka mayron. Syempre ako ang may kasalanan talaga eh bakit ako pa ang nauna. Pero ang sinasabi ko sa kanila hahaha sana 70 yrs old na rin kayo para makalaya na rin kayo. BABAO: Ano po ang mensahe nyo kay Pangulong Gloria? MARTINEZ: ang mensahe ko po sa inyong kagalang galang na Presidente Gloria Macapagal Arroyo, humihingi ako ng pabor tungkol naman dito sa aking mga kasamahan, na alam ko po wala silang kasalanan sa kasong ito. Nagamit lang sila. Injustice, kung kwan nga eh, injustice ang nangyari sa kanila. Sila’y palalayain na rin sana. Binibigay ko rin ang pasasalamat ang kung di nya pinirmahan eh wala hindi ako makakalabas. Saka paulit-ulit ko na ring sabihin salamat sa aming attorney at wala kaming gastos. Siya pa nga ang naggagastos sa amin, siya ang nagpapakain sa amin, naalaman rin niya kasi na giliw na giliw na rin kami sa masasarap na pagkain, sa malayang lipunan, kung minsan nagkkwan sya dito. BABAO: Ano po ang inyong plano Mr. Martinez, sa inyong paglabas? Ano ho ang una nyong gagawin? MARTINEZ: Ang plano ko po ay ang tutuparin ko ang convenant ko sa panginoon bilang pastor, mag-e-evangelize ako. Alam kong marami pa ang anak ng Diyos na hindi pa kumikilala sa kanya. BABAO: Bukod po dyan? Dito lang po ba kayo sa Metro Manila o magpo-probinsya kayo? MARTINEZ: Yun ay susunod na plano na yan pero sa ngayon hindi ko alam kung san na ako pupunta ngayon. BABAO: Di naman ho kayo natatakot? Magsisimula nanamn kayo ng panibago, hindi nyo alam kung ano buhay sa labas? MARTINEZ: Alam ko naman ang buhay sa labas talagang mahirap pero kung Nakayanan ko dito eh, na limited ang kilos ko eh, sa labas pa kaya na hindi ako mabubuhay? BABAO: Sino po ba yung mga binabanggit nyong mastermind? MARTINEZ: Ang binabanggit kong mastermind dyan si kwan eh, si Mr. Danding Cojuangco eh. BABAO: Sino pa? May iba pa hong involved dito? MARTINEZ: May namatay na eh. Yung civilian na nakalimutan ko ang pangalan. Namatay na rin. Tsaka yung si General Gatan, yung namatay na rin. Yan ang mga may pakana dyan eh. BABAO: Bakit nyo ho si Danding kaya nasabi syang mastermind? MARTINEZ: Kaya ko nasabi nakausap ko si kwan eh, kinakausap ko yung mga, yung mga bata eh, na nagpupunta dun sa akin eh. Yung two days ko doon atsaka two nights dun sa hotel palagi sila doon syempre nakakausap rin sila, kinakausap ko sila. At ang sabi nila bata sila daw ni Danding Cojuangco. BABAO: Yun lang ho ang pinaka-kuneksyon ni Mr. Cojuangco dun sa… MARTINEZ: Yan ang pinaka kuneksyon nya. BABAO: Pero wala ho kayong narinig na sya ang nag-utos? MARTINEZ: Ah wala akong narinig na, hindi ang sabi ko sa kanila kasi, ang tanong ko sa kanila ‘kanino ba kayo kumuha ng order?’ ‘kaninong order ba siya?’ ‘Si Danding’ sabi ganun. BABAO: Hindi ho ba kayo nangangamba sa inyong seguridad ngayong meron kayong nalalaman tungkol dito sa tunay na mastermind ng Aquino-Galman at nasa labas na po kayo? Hindi ba kayo natatakot? MARTINEZ: Ang takot ay nariyan. Pero nagtitiwala ako sa Panginoong Diyos eh. Dahil kung ayaw ng panginoong diyos na hindi ako lalabas eh siguro hindi ako makakalabas. May pahintulot din ang panginoon na ako lumabas. Kung pinahintulutan nayng lumabas ako, sya rin ang mag-aalaga sa akin. BABAO: Pero may takot kayo sa puso nyo o wala na? MARTINEZ: Wala na. Ubos na yung takot eh. Ang narito sa akin yung awa habag ko dito sa aking kasamahan na ito dahil talaga kahirap ng pera syempre kung dadalwa ang kanilang pamilya kokonti na rin ang madadala dahil syempre financially talagang hirap sa labas eh. SINO NGA BA NAGPAPATAY KAY NINOY AQUINO! MAKI OPINYON MGA KABAYAN BALAK KASI NG AQUINO BUKSAN ANG KASO PUNTIRYA YATA NILA SI BBM PARA SA 2016 Sino nga ba talaga ang nag-utos at nagplanong patayin si dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino??? Nakapagtatakang sa panahon ni Pangulong Cory Cojuango Aquino ay hindi natukoy ang mastermind nito. Nakapagtatakang kahit itinuro na ng nakulong na mga sundalo, nitong huli sa pamamagitan pa ni Chaplain Msgr. Robert Olaguer, na si tycoon DANDING COJUANGO, dating Ambassador at Marcos Crony DANDING COJUANGCO, ang UTAK ng pagpatay kay Ninoy sa airport ay tinutulan ng pamilya Aquino na buksang muli ang kaso sa panahon ng dating (pekeng) administrasyon. Nakapagtatakang sa lakas ng impluwensya ng pamilya Aquino-Cojuangco—nakatulong pa ngang magpabagsak ng isang tunay na halal na Pangulo di tulad nila, si Pangulong Joseph “Erap” Estrada noong EDSA 2 coup, at nanalo pa nga itong psychologically challenged by default and by looks na si “Pangulong” A_NOY—ay 2 1/2 dekadang hindi natukoy ang utak ng Ninoy Assassination. Ngayon daw ay gustong pabuksan ni “Pangulong” Abs muli ang kaso. At mukhang Marcos na naman ang puntirya. Bakit sa mahabang panahon ay hindi nila hinabol ang hustisya para sa ama nila??? Tinanggihan nga nilang buksan muli ang kaso nang lumabas ang “confession” ng mga sundalong nakulong sa Aquino-Galman case eh. Bakit kaya? Dahil ba pag nalaman ng taumbayan na hindi si dating Pangulong Ferdinand Marcos o pamilya nito ang nagutos sa pagpatay kay Ninoy ay hihina o mawawalan sila ng moral hold sa impluwensya sa Pilipinas? Matatandaang ang kanilang pagakyat sa kapangyarihan ay nakasalalay sa paniniwalang ginawan sila ng kawalanghiyaan ng mga Marcos. Nang binigyan ni Gloria Dorobo ng amnesty itong si Master Sgt. Pablo Martinez ay pinanindigan niya ang kanyang matagal nang sinasabi na si “Danding Cojuangco” ang mastermind sa pagpatay kay Ninoy. Noong 1994 ay sinulat na ito ni Martinez sa noon ay Pangulong Fidel Ramos aka Tabako: “The men who engineered the assassination were Gen. Romeo Gatan, Mr. Hermilo (sic) ‘Boy’ Gosuico (who) were both men of Danding Cojuangco, while Col. Romeo Ochoco was the man of Gen. Fabian Ver, AFP chief-of-staff, during that period……I wrote this handwritten testimony of mine to reveal some cover-up information which were not revealed during the inquisition in court….” Ito rin ay inulit ni Chaplain Olaguer na nagsabing umamin si Martinez—na naging born-again nga pala noon 1994 kung kailan niya unang inamin ang pagkakasangkot niya sa plano ni Danding—na siya at ang kasama niyang nakulong ay nakipagplano sa pagpatay kay Ninoy at sa Carlston Hotel sa Baclara, Paranaque pa sila nag.meeting kasama ng mga tauhan ni Danding Cojuangco na umaming ito nga (Danding) ang utak. Bakit naman gustong patayin ni Danding ang asawa ng sarili nitong pinsan? Kasi raw ay ang tingin nito kay Ninoy ay balakid sa plano niyang lagong lumago ang crony businesses nito. Ang kilalang dikit at crony ni Marcos ay ganito lamang po kalakas: At the height of cronyism in the Philippines, Cojuangco controlled $1.5 billion in corporate assets, an amount estimated to equal 25% of the country’s GNP. He headed an agricultural and industrial conglomerate with interests in diverse areas as coconut, sugar, agri-business, banking, and a host of others. The *Wall Street Journal* observed that Cojuangco attempted to create “cartels in rice, sugar, flour, groceries, and soft drinks but ran out of time.” Referring to Cojuangco’s tendency to create monopolies in the industries where he had investments, a journalist gave him the nickname Pacman, a reference to the computer game where the object is to eat up as much as you can. Cojuangco’s personal net worth was estimated at $500 million, making him among the country’s richest men. [page 217 Some Are Smarter Than Others by Ricardo Manlapat 1991]. In fairness to Danding Cojuango, may nagsasabing maaring operation ng Kalbong Agila ang pagpatay kay Ninoy. Ngayon, ang tanong, talaga bang gustong matukoy ni psycho-challenged “Pangulong” Abs ang tunay na mastermind—ang tiyuhin nila—o Marcos bashing and hunting na naman ito???? stuartsantiago/ninoys-killers/ retrato.ph/retratoimages/SC/SC02261a.jpg img.timeinc.net/time/asia/covers/501060227/images/373_prisoners.jpg newsflash.org/2004/02/pictures/000074459.jpg indiosbravos.blog/files/2011/05/Imelda_Marcos-76.jpg midfield.files.wordpress/2009/08/aquino-assassination-montage-main1.jpg stephenbrookes/storage/MARCOS_dandang.jpg?__SQUARESPACE_CACHEVERSION=1200968038637 google.sa/url?sa=t&rct=j&q=&esrc=s&source=web&cd=2&ved=0CCMQFjAB&url=http%3A%2F%2Fabs-cbnnews%2Fnation%2F05%2F08%2F14%2Fsergeant-tagged-ninoy-assassination-dies&ei=9D9SVM3WH8bl7gag24CQBQ&usg=AFQjCNGBsDyY6XSSZcTOuvrN-jxligMt_Q
Posted on: Thu, 30 Oct 2014 14:52:16 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015