ANG BISA NG KASAL AY HINDI AUTOMATIC NA NAWAWALA ANG BISA DAHIL - TopicsExpress



          

ANG BISA NG KASAL AY HINDI AUTOMATIC NA NAWAWALA ANG BISA DAHIL LAMANG SA MATAGAL NA HIWALAY O MATAGAL NA WALANG KOMUNIKASYON ANG MAG-ASAWA. ANG KORTE LANG ANG NAGPAPAWALANG BISA NG KASAL SA PAMAMAGITAN NG PROSESO ANNULMENT OF MARRIAGE. ANG BISA NG KASAL AY AUTOMATIC NA NAWAWALA LAMANG SA (1) KAMATAYAN NG ASAWA O (2) PAGBALIK/PAGLITAW NG UNANG ASAWA NA NADEKLARANG PATAY NA NG KORTE. WALANG BATAS SA PILIPINAS O SA FAMILY CODE NA NAWAWALA ANG BISA NG KASAL SA TAGAL NG PAGHIHIWALAY O TAGAL NG WALANG KOMUNIKASYON NG MAG-ASAWA. ANG TAGAL NG PAGHIHIWALAY AY HINDI RIN GROUND SA ANNULMENT OF MARRIAGE. Kahit pauilit-ulit namin na ipost, marami pa rin tayong mga friends sa Facebook ang nagtanong sa E-Lawyers Online na kung may bisa pa ba daw ang kasal nila dahil matagal na silang hindi nagsasama o walang komunikasyon sa isat-isa. Patuloy pa rin kami nakakabasa ng mga talakayan sa mga Facebook group at Facebook pages na pag daw more than 7 years nang hiwalay ang mag-asawa ay null and void na ang kasal at pwede nang mag-asawang muli. Mali po ang mga kaisipang ito dahil walang provision sa Family Code o walang batas sa Pilipinas na nagsasabi na ang epekto o bisa ng kasal ay nawawala dahil lang sa tagal ng paghihiwalay ng mag-asawa o tagal ng kawalan ng komunikasyon ng mag-asawa. Uulitin po namin na kahit 100 years nang walang komunikasyon o hiwalay ang mag-asawa, as long as, buhay pa ang mag-asawa ay may bisa pa rin ang kasal nila at hindi sila pwedeng magpakasal muli sa ibang tao hanggat hindi napapa-annul ang kasal nila sa korte. Ganun din, ang tagal ng paghihiwalay ng mag-asawa o tagal ng kawalan ng komunikasyon ng dalawa ay hindi pwedeng gamitin na ground sa annulment of marriage dahil wala ito sa Family Code. Ang mga grounds sa annulment of marriage ay ang mga nasa Family Code lang tulad ng underage marriage, lack of marriage license, lack of authority of solemnizing officer, etc. at ang tagal ng paghihiwalay ay hindi kasama bilang ground sa annulment of marriage. Dalawang sitwasyon lang ang nasa batas na automatic na nawawala ang bisa ng kasal (1) in case of death of spouse o kamatayan ng asawa kung saan automatic na nagiging single ang naiwang asawa; at (2) in case of 2nd marriage by reason ng declaration ng presumptive death ng absent spouse, ay automatic na nawawala ang bisa ng 2nd marriage sa recording o pagtatala ng absent spouse na nadeklarang patay na, sa kanyang affidavit of reappearance sa local civil registrar under Article 42 ng Family Code, at nagiging effective uli ang 1st marriage. Dahil hindi automatic ang pagpapawala ng bisa ng kasal, napapawalang bisa lamang ang marriage o kasal sa pamamagitan ng pagsasampa ng annulment case o declaration of nullity of marriage sa korte at pagkuha ng favorable decision ng korte based sa ground na naayon sa Family Code at sa ebidensiya na napresenta na-aayon sa Rules of Court. Ang proseso ng annulment of marriage ay isang proseso na ginagawa sa loob ng korte na may sinusunod na procedure under the Rules of Court. Ang proseso nito ay nagsisimula sa pagpafile ng Petition for Annulment sa Regional Trial Court kung saan nakatira ang nagsampa o sinampahan. Magkakaroon ang fiscal ng investigation kung merong collusion o pakikipag sabwatan o agreement ang mag-asawa sa annulment. Kung meron nakitang evidence ang fiscal ng sabwatan ang mag-asawa, idi-dismiss nya ang kaso ng annulment at kung wala naman ay mag-iissue siya ng Certificate of Non-Collusion. Itatakda na ng korte ang pre-trial at trial kung saan tayo ay unang magpresenta ng ebidensiya, ang peititoner ang unang magtestify at kasunod ang witnesses niya. Bibigyan din ng korte ng notice at pagkakataon ang iyong inihablang asawa na magpresenta ng kanyang ebidensiya. Pagkatapos nito ay, magdedesisyon na ang korte. Kung ang decision ng korte ay para sa annulment, kailangang maging final and executory ito. Mayroon 15 days ang iyong asawa, fiscal o OSG na magfile ng Motion for Reconsideration at i-apela ang desisyon sa Court of Appeals at kung hindi, magiging final and executory ito after 15 days mula sa pagtanggap ng decision ng korte. Kung gusto nyo magtanong ukol sa paghahati ng conjugal property o batas sa paghahati ng napundar na property ng magkarelasyon, register at my website at e-lawyersonline. Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link facebook/E.Lawyers.Online. All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.
Posted on: Thu, 31 Oct 2013 09:17:36 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015