ANG GAPO giant armpit odor; a bad underarm odor. : NI: Lualhati - TopicsExpress



          

ANG GAPO giant armpit odor; a bad underarm odor. : NI: Lualhati Bautista Si Michael Taylor Jr. ay isang dalawangpung taong gulang na folk singer sa isang bar na nagngangalang freedom pad. Anak siya sa labas ng isang amerikanong sundalo na hindi niya nakita man o nakilala. Malaki ang galit niya sa mga amerikano dahil sa ginawa ng ama niyang pag-iwan sa kanyang ina at sa kanyang pagiging anak sa labas na ginawang katatawanan ng iba. Lalo siyang nagalit nang masaksihan niya ang pag-aalipusta ng mga sundalong amerikano sa mga kaibigan niya. Si Dolores, ang ina niyang nag-ampon dito at nakasama niya sa paglaki. Si Magda ay isang masugid na tagahanga ng mga sundalong amerikano sa kabila ng mga pasakit na dinanas niya ng dahil sa mga ito. Matalik na kaibigan ni Michael sina Modesto at Ali. Si Modesto ay isang pilipinong manggagawa sa base militar. Api-apihan ito sa pinagtatrabahuan niya. Wala siyang kaibigang amerikano roon maliban kay William Smith. Tinitiis niya na lamang ang kanyang trabaho dahil malaki ang halagang kinikita niya rito. Si Ali naman ay isang baklang masalapi. At nagkarelasyon sila ni Modesto. Naging kasintahan niya ang isang amerikanong sundalo na si Richard Halloway. Isang araw, hindi na natiis ni Modesto ang pang-aapi sa kanya ng mga sundalong amerikano sa base militar. Nakipagsagutan siya sa isang opisyal doon at nauwi ito sa suntukan. Lamang sana si Modesto nang pagtulungan siya ng mga kasamahan ng sundalong puti. Sa kabila ng pagpipigil at pakikiusap ni William, napatay nila si Modesto. Si Ali naman ay ninakawan nina Richard at Ignacio ay binugbog rin. Si Magda ay nagkaroon ng panibagong kasintahang sundalo na nagngangalang Steve Taylor. Noong simula ay napakabait ni Steve hanggang sa nabuntis siya nito. Makakatagpo na sana ni Michael ng isang kaibigan sa sundalong kano nang matuklasan nilang mayroon itong babalikang pamilya sa Estados Unidos. Nanumbalik ang mga alaala niya sa sinapit ng kanyang ina, pati nina Ali at Modesto sa mga amerikano. Naulit na naman ang paglilinlang ng mga sundalong amerikano kay Magda. Hinampas ni Michael si Steve sa ulo gamit ang kanyang gitara na ikinamatay ni Steve. Nakulong si Michael. Sa huling bahagi ng istorya ay dinalaw ni Magda si Michael sa kulungan. Ipinagpaalam niya ang pagpapangalan ng anak niya kay Michael. Ang bata ay magiging si Michael Taylor III. Naghawak ng mahigpit ang kanilang mga kamay sa magkabilang panig ng rehas Talambuhay ni Lualhati Bautista Si Lualhati Bautista ay isa sa pinakatanyag na Filipinong nobelista. Ilan sa kanyang mga akda ay Dekada 70, Bata Bata Pano ka Ginawa? at Gapo. Si Bautista ay ipinanganak sa Tondo Manila noong ika-2 ng Disyembre 1945. Nakapagtapos siya ng elementarya sa Emilio Jacinto Elementary School noong 1958 at sekondarya sa Torres High School noong 1962. Siya ay pumasok sa Lyceum University of the Philippines sa kursong journalism ngunit nag-drop bago pa man matapos ang kanyang unang taon. Bagamat kulang sa pormal na pagsasanay, si Bautista ay naging kilala sa kanyang makatotohanan at matapang na paghayag sa mga isyung kinasasangkutan ng mga babaeng Filipino at sa kanyang makabagbag damdamin na pagpapakita sa babae na may mahirap na sitwasyon sa bahay at sa trabaho. Natanggap niya ang Palanca Awards (1980, 1983, 1984) pata sa nobelang Gapo, Dekada 70 at Bata, Bata Paano ka Ginawawa?, mga nobelang naglalarawan nang kaapihan ng mga kababaihan noong panahon ni Marcos. Dalawa sa maikling kuwento ni Bautista ay nagkamit din ng Palanca Awards ang "Talong Kuwento ng Buhay ni Juan Candelabra"(unang gantimpala, 1982) at "Buwan, Buwan, Hulugan mo Akong Sundang"(ikatlong gantimpala, 1983). Hindi rin matatawaran ang kanyang husay sa pagiging script writer. Ang kanyang unang screenplay ay ang Sakada, 1976 na nagpapakita ng kalagayan ng mga magtutubo. Ang kanyang ikalawang pelikula ay ang "Kung Mahawi Mang ang Ulap" noong 1984 na nominado sa Film Academy. Ginawa rin niya ang Bulaklak ng City Jail base sa kanyang nobela tungkol sa mga kababaihang nakulong. Nahakot nito halos lahat ng gantimpala sa Star Awards at Metro Manila Film Festival. Kabilang siya sa University of the Philippines Creative Writing Center noong 1986, nagsilbing bise-presidente ng Screenwriters Guild of the Philippines at pinuno ng Kapisanan ng mga Manunulat ng Nobelang Popular. Siya lang ang natatanging Filipino na kasama sa libro ng International Women Writers na nilimbag sa Japan.
Posted on: Sun, 07 Jul 2013 10:25:45 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015