ANG KAYAMANAN NI BILL GATES (ni Ariel Tibayan) Sa Pilipinas, si - TopicsExpress



          

ANG KAYAMANAN NI BILL GATES (ni Ariel Tibayan) Sa Pilipinas, si Henry Sy ang pinakamayamang tao (may ari ng SM Supermalls, Banco de Oro, etc.), na merong $13.5 billion dollars oo katumbas ng ₱550.5 billion pesos . Bumubuntot sa kanya si Lucio Tan (may ari ng University of the East, PAL-Philippine Airlines, PNB, Allied Bank, etc.), meron syang Net worth na $5 billion dollars o katumbas ng ₱203.9 billion pesos. Sa America, si Bill Gates naman ang pinakamayamang tao. Meron syang net worth na $72.7 billion dollars na katumbas ng ₱3,116,649,120,000.00 pesos (more than 3 trillion pesos!) Si Bill Gates ay isang investor, businesss magnate, unang nakagawa ng microcomputer, programmer, philanthropist, at former chief executive at current chairman ng Microsoft. Si Bill Gates na isang negosyante ay kumikita kada segundo ng tumataginting na $250.00 dollars (₱10,717.50). So, ibig sabihin sa loob ng isang araw ay kumikita sya ng $20 million dollars! (₱857,400,000.00 pesos), at $7.8 billion dollars a year! (₱334,386,000,000.00 trillion sa Philippine peso!) Kung makakalaglag sya ng sanlibong dolyar, di nya na kailangang mag-aksaya ng 4 na segundo para damputin pa `to. Kasi kahit hindi nya damputin ito, sa 4 na segundo e kumita na sya ng $1,000.00! (₱42,870.00!) Ang National debt ng America ay nasa $5.62 trillion. Kung ibig bayaran ni Bill Gates ang halagang yan, ay mababayaran nya ang utang sa loob ng sampung taon. At kung babayaran nya ang National debt ng Pilipinas na $129.2 billion ay kaya nyang bayaran yan sa loob ng kulang-kulang na 4 na buwan! At kahit mamigay siya sa bawat tao sa mundo ng $15.00 (₱643.00 sa bawat Pilipino) ay meron pang matitira sa bulsa nya ng $5 million dollars! Kaya nyang tustusan ang matrikula`t expenses ng bawat 18 years old sa America, para sa 4 year college course. Kung isang bansa lang si Bill Gates, sya ay matuturing na ika-37 na pinakamayamang bansa dito sa buong mundo. 57 years old na si Bill Gates. Kung mabubuhay pa sya ng 35 years, e kailangan nyang gumastos ng $6.78 million kada araw para maubos nya ang lahat ng pera nya bago sya mamatay. Kung sa pesos, kailangan nyang gumastos ng ₱29,0658,600.00 million bawat araw, para lang maubos ang pera nya! Pero, kahit marami sa tin ay mahirap, we have something in common with Bill Gates at sa lahat ng mayayaman: Lahat tayo ay mamamatay. At ang lahat ng bagay na inipon natin dito sa lupa, ay maiiwan lahat-lahat: kahit isang butil ng ginto (Matt.6:19-20).
Posted on: Thu, 03 Oct 2013 00:27:30 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015