ANG PAGPAPATAWAD Napatawad ko na si Bisaya, nag-sorry na eh, 2 - TopicsExpress



          

ANG PAGPAPATAWAD Napatawad ko na si Bisaya, nag-sorry na eh, 2 beses pa nga. Mas nauna pa nga nawala ang galit ko sa kanya kaysa sa paghingi niya ng paumanhin. May nagtanong na kaibigan sa akin kung bakit ko ipinagdadasal ang mga taong gumawa ng hindi maganda sa akin. (Teka lang alam kaya nito kung ano ang idinadasal ko para sa mga nagkasala sa akin, kung mabuti o masama? Joke) Sinabi kong kinalimutan ko na ang mga bagay na ginawa nila.. lalong-lalo na iyung ginawa ng isa na nasa Abu Dhabi na ngayon at ang isa na wala na sa Dubai. Sa kabilang banda, humingi din ako ng tawad sa Allah kung may pagkakamali man akong nagawa sa mga tao na ito. Kung may nagkasala sa iyo, forgive and forget…and move on. May isa akong natutunan sa spiritual search ko habang nagbabasa ako: Na kung ano ang gusto mong mangyari sa iyong kapwa ay siya rin ang mangyayari sa iyo. Kung masama ang hinahangad mo sa kagalit mo – halimbawa “sana matanggal siya sa trabaho o magkasakit siya” – ganoon ang mangyayari sa iyo. Lalong lalo na kung masama ang hinahangad mo sa taong wala naman nagawa sa iyo. Kung maganda naman ang hinahangad mo sa iyong kapwa —gaya nang gumaling sa sakit— magiging mas malusog ang iyong katawan. Ito ang Batas ng Karma o Law of Karma: Babalik sa iyo ang hinahangad mo sa iyong kapwa. Dahil alam na ninyo how the Law of Karma works, bakit maghahangad pa kayo ng masama sa iyong kapwa? Kung may nagawa mang masama ang iyong kapwa sa iyo, ipasa-Diyos mo na lang ang ginawa niya. Mabilis at madali ang pagdating ng suwerte sa iyong buhay kapag maganda ang hangarin mo sa iyong kapwa, kahit na sa iyong mga kaaway. Inaamin ko na madali lang magsalita pero mahirap gawin. Pero dahil alam ko na ngayon na magaan ang buhay sa mga taong marunong magpatawad, I try my best to forgive people who have wronged me. At kapag palagi mong iniisip ang pagdating ng suwerte sa iyo dahil ikaw ay mapagpatawad, wala nang puwang sa iyong puso ang paghihiganti. Meron din akong nabasa kung bakit dapat kang magpatawad sa taong nagkasala sa iyo: Maiiwasan mo ang malubhang karamdaman. Karamihan sa mga may sakit sa puso, cancer at ibang malubhang karamdaman ay dahil sa pagkimkim ng matinding galit sa kapwa. At dahil hindi mo mailabas ang sama ng iyong kalooban, ito’y nagiging sakit. May kaibigan ako na naghahari ang poot sa kanyang dibdib. Tuwing nakakausap ko siya, palagi niyang sinasabi na kapag panahon na niya ang maghiganti sa mga taong nakagawa sa kanya ng masama, doon na siya magiging maligaya. Hindi natupad ang pangarap niya na maging maligaya dahil hindi siya nakapaghiganti. Hayun, na-stroke ng matindi at bed-ridden… balita ko malapit na yata mamatay. Huwag naman sana. Isipin mo na lang, magiging maligaya ka ba kung puro galit ang namamahay sa puso mo? Kung puro paghihinganti ang mga gusto mong gawin? Wala ng ibang tunay na katahimikan at pinakamasarap matulog para sa tao kung hindi ang mga walang galit sa puso. Kapag ikaw ay nagpatawad, hindi ang taong pinatawad mo ang binigyan mo ng pabor kung hindi ang iyong sarili. Dahil pinalaya mo ang sarili mo sa mga galit na nararamdaman mo. Kanina na nasa loob ako ng Mosque at habang hinihintay ko ang Imam, pumasok sa isipan ko ang Filipina na biktima ng gang rape sa Kuwait at sabi niya sa news na “I will not agree for any settlement”. Naisip ko kung sa akin kaya ito mangyari ano ang magiging verdict ko para sa mga taong gumawa nito sa akin? Patatawarin ko sila, mahirap ito gawin lalo na kung ang galit mo ay sariwa pa sa puso. Patatawarin ko sila para sa mga taong umaasa sa kanila, para sa mga taong nagmamahal sa kanila, para sa mga anak at magulang nila. After all, mapatawad ko man sila sa nagawa nila sa akin, ay nagkasala pa rin sila sa Allah sa ginawa nila sa akin, bilang nilalang ng Allah. At ako bilang nagpatawad ay magiging maligaya dahil sa isip at puso ko ay may tao akong nabigyan muli ng bagong pag-asa, hindi lang siya kung hindi pati ang mga taong nakapaligid sa kanya. O baka naman yung mga kaibigan ko diyan pagkatapos mabasa ito ay gawaan pa rin ako ng masama ha? Abuso na iyan, lalo na yung mga bisaya diyan.. hmmmp! Sapak!!! Siya, siya. Inang lesli
Posted on: Wed, 26 Jun 2013 11:13:02 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015