ANG TIYARAH [Pangitain] *Ito ay paniniwala sa mga pangitain at - TopicsExpress



          

ANG TIYARAH [Pangitain] *Ito ay paniniwala sa mga pangitain at masamang kapalaran, kaugnay nito ang Allah (SWT) ay nagsabi: Kaya, kapag dumating sa kanila ang kabutihan, sila ay magsasabi, Sa amin ito. At kapag dinapuan sila ng kasamaan, sila ay nagtuturing nito bilang masamang pangitain iniaakibat kay Musa at sa kanyang kasama. [Surah al- Araaf 7:131] Ang ganitong paniniwala na nakapagpawalang-bisa ng Tawheed. ay sumasaklaw din sa mga paniniwalang may mga panahon at iba pang bagay na malas. Halimbawa,ang di pagpapakasal sa buwan ng Safar, ang pagturing sa huling Miyerkules sa bawat buwan bilang isang araw ng masamang pangitain at patuloy na kapahamakan. Gayundin ang paniniwalang malas ang bilang na 13 o iba pang natatanging mga pangalan. Isang Haraam din ang paniniwalang ang mga taong may kapansanan ay nagdadala ng kamalasan, katulad na lamang ng kasabihang kapag ikay nagbukas ng tindahan at kapagdakay nakakakita ng taong bulag, kailangang isara agad ang tindahan dahil ito raw ay isang pangitain. Ang lahat ng mga ito ay pawang Haraam (bawal) at mga uri ng shirk..Ang paniniwala sa mabubuti at masamang pangitain,masidhi man o hindi ay isang bagay na likas sa tao; ang mabissng panlunas nito ay ang pagtitiwala o pananalig sa Allah (SWT)(Tawakkul), ayon kay ibn Masood: Walang sinuman sa amin (ang hindi nakakaramdam nito paminsan-minsan), subalit kapag kami ay nagtitiwala sa Allah(SWT), kanyang pinaglalaho amg ganitong damdamin.....pyrex68®
Posted on: Wed, 20 Nov 2013 05:46:24 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015