‘Adopt an LGU’ ng MMDA, lumarga na Karpintero, welder, - TopicsExpress



          

‘Adopt an LGU’ ng MMDA, lumarga na Karpintero, welder, electrician bubuhos sa Tacloban (Bernard Taguinod/Eralyn Prado) Umarangkada na ang tulong ng mga ‘foster LGUs’ na Metro Manila mayor sa mga napili nilang ampuning bayan o lungsod sa mga lalawigang sinalanta ni super typhoon ‘Yolanda’. Ito ang kinumpirma kahapon ng Malacañang sa pamamagitan ni Presidential Communication Operation Office (PCOO) Sec. Herminio ‘Sonny’ Coloma Jr. kahapon. “Ang mga alkalde ng lahat ng 17 lungsod sa Metro Manila ay naglunsad ng prog­ramang ‘Adopt an LGU’ na naglalayong tulungan at bigyang agapay ng bawat LGU ang mga bayang nasalanta bilang paghahanda sa kanilang rehabilitasyon at pagbabagong-tatag,” pahayag ni Coloma. Ayon sa kalihim, inam­pon ng Quezon City go­vernment ang mga bayan ng Palompon, Talosa at Sta. Fe sa Leyte habang ang Pasig City ay tutulu­ngan naman ang bayan ng Mayorga sa Palo, Leyte at Barotac Viejo at Barotac Nuevo at maging ang Dumangas sa Iloilo. Inampon naman ng Marikina City ang bayan ng Hernani at Llorente sa Eastern Samar habang ang San Juan City ay tutulong naman sa Ormoc City at Albuera sa lalawigan ng Leyte. Tinutulungan na rin umano ng Taguig City ang bayan ng General McArthur, Guiuan, Salcedo, Mercedes at Quinapondan sa Eastern Samar habang ang Las Piñas City ay sa bayan ng Julita at Dulag sa Leyte ang kanilang inaasistehan sa pagbangon. Ang Caloocan City naman ay tatlong bayan sa Leyte ang inampon na kinabibilangan ng Javier, McArthur at La Paz samantalanang ang Malabon City ay tutulong naman sa Bogo, Cebu. Ang Navotas City naman ay tutulong sa Lawaan at Giporlas sa Eastern Samar at ang Valenzuela City ay umaasiste na sa bayan ng Basey at Marabut sa Western Samar habang ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ay umaagapay naman sa Coron sa Palawan at Sulat sa Eastern Samar. Kaugnay nito, iniulat ni MMDA chairman Francis Tolentino na sa patuloy na pagtulong ng ahensya sa clearing ng mga kalsada sa Eastern Visayas ay umabot na sa 141 trak ang nahakot nilang mga debris sa lungsod pa lamang ng Tacloban. Gayundin, ang mga pinadala nilang rescue team ay nakatakda na nilang pauwiin upang palitan naman ng mga karpintero, welder at electrician na kailangang-kailangan sa rehabilitasyon at pagtatayong muli ng mga gusali at kabahayan sa mga sinalantang lugar. abante.ph/issue/nov1813/news05.htm#.UokZQuK0Ql0 Creator
Posted on: Sun, 17 Nov 2013 22:08:00 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015