Ang Kampanaryo ng simbahan ng Meycauayan. Ipinatayo ni Fray - TopicsExpress



          

Ang Kampanaryo ng simbahan ng Meycauayan. Ipinatayo ni Fray Francisco Gascueña, OFM noong 1800. Tatlong baingaw ang kasalukuyang matatagpuan dito. Pinakamaliit ang kampanang pinangalanang San Jose na pinagawa ni Padre Gascueña. Ipinangalan naman sa patron ng bayan ang isang kampana, ang San Francisco na ipinagawa ni Fray Juan Fernandez noong 1881. Ang Maria Concepcion, ang pinakamalaki sa tatlo na pinagawa ni Fray Antonio Guadalajara noong 1878 ay sinasabing isa sa mga pinakamatutunog na batingaw sa Bulacan. Sa kasamaang-palad, ang Maria Concepcion ay may malaking lamat na nakaaapekto sa tunog nito sa kasalukuyan.
Posted on: Thu, 18 Jul 2013 02:48:10 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015