Ang Sulat ni Pablo sa Mga Taga-Filipos Panimula: - TopicsExpress



          

Ang Sulat ni Pablo sa Mga Taga-Filipos Panimula: Ang Sulat ni Pablo sa Mga Taga-Filipos ay para sa unang iglesyang itinatag ni Pablo sa Europa. Ang Filipos ay isang lunsod sa Macedonia, na isang lalawigang sakop ng Roma. Nakabilanggo si Pablo nang sinulat niya ito. Naliligalig siya dahil may mga manggagawang Cristiano na sumasalungat sa kanya, at dahil na rin sa maling aral na nakapasok sa iglesya sa Filipos. Ngunit mababakas sa sulat na ito ang isang kagalakan at lakas ng loob na taglay ni Pablo dahil sa kanyang matibay na pananalig kay Jesu-Cristo. Ang pangunahing layunin ng sulat na ito ay pasalamatan ang mga mananampalataya sa Filipos dahil sa tulong na ipinadala nila sa kanya. Sa pamamagitan ng sulat na ito, sinikap niyang palakasin ang kanilang loob, upang huwag silang mabahala tungkol sa kanyang kalagayan, at sa kanilang mga sariling suliranin. Sila ay pinayuhan niya na maging mapagpakumbaba na gaya ni Jesus at huwag padala sa pagmamataas at makasariling hangarin. Ipinagunita niya na ang buhay na tinatamasa nila kay Cristo ay kaloob ng Diyos na tinanggap nila sa pamamagitan ng pananampalataya, at hindi sa pagganap ng mga alituntunin ng Kautusang Judio. Binigyan niya ng diin ang kagalakan at kapayapaang ibinibigay ng Diyos sa mga nagpapasakop kay Cristo. Sa sulat na itoy binibigyang-diin ang kagalakan, kapanatagan, pagkakaisa, at pagpapatuloy sa pananampalataya at pamumuhay Cristiano. Binabanggit din dito ni Pablo ang kanyang marubdob na pagmamahal sa mga kapatiran sa Filipos.
Posted on: Sat, 09 Nov 2013 00:47:04 +0000

Trending Topics



a>
Husband in the military, on duty overseas for 6 months, returns

Recently Viewed Topics




© 2015