Ang love para yan SKETCH na kapag ayaw mo sa nagawa mo maari mo - TopicsExpress



          

Ang love para yan SKETCH na kapag ayaw mo sa nagawa mo maari mo itong itapon at punitin nalang. Para din itong pagkakamaling pag-gupit sa parte ng damit na hindi dapat gupitin, hindi mo na kayang ibalik unless na may tiyaga kang tagpian ito. Ang love para din yang DAMIT na may ibat ibang kulay, gaya ng "Red", sa tingkad ng kulay na ito masasabi mong inlove ang isang tao. "Yellow" isa itong ambicious na kulay, nakakaramdam tayo ng konting galit sa taong mahal natin yun bang tinatawag nilang SELOS. "Blue" kung titingnan natin ang kalangitan, ka payapa parang ang tahimik, minsan kasi ang love nuetral lang, yun bang konting pagmamahal at konting selos , pero kuntento ka dahil mahal mo ang isang tao. Pero ang love nasusukat ba? Gaya ng mga damit? Hindi ko alam kasi Im happy with Gio my Life. Si Gio ang buhay ko. Sya ang inspirasyon ko sa pagbuo ng mga dress na ginagawa ko. Im a fashion designer. FASHION is my World while Gio is my Life. Ang dalawang ito ang bumubuhay sa akin silang dalawa lang kuntento na ako. By the way ako si Lovely Gonzales, simpleng babae na may ari ng isang Fashion Botique. Bata pa lang kasi ako hilig ko na talagang magdesign ng mga damit. Kaya ito na rin ang pinili kong mundo. Dahil sa bawat ngiti ng mga kliyente ko, dahil nagandahan sila sa mga na design kong damit para na akong nanalo sa lotto. Pero higit na nakapagpapaligaya sa akin si Gio sabi ko nga sya ang buhay ko. Kapag nawala sya para na rin akong namatay. Paano nga ba kami nagkakilala ni Gio? Well nakilala ko sya sa France, noong akoy kasalukuyang nag-aaral doon. Naaalala ko pa tuloy nang una nya akong makita. I wearing palda at maluwang na t-shirt saka naka rubber shoes pa ako. Kung titingnan nyo ako noon sasabihan nyo ako ng baduy. Hindi nga makapaniwala si Gio na im a fashion designer dahil style ko pa lang laglag na. Pero nagulat ako ng one time na nagkita kami, sinabihan nya ako ng "I like you" ako naman kilig to the max, ikaw ba naman sabihan ng poging nilalang ng I like you. Hindi ka kaya kiligin. Simula ng sinabihan nya ako ng katagang yan. Jan nag-umpisa ang lahat binago ko ang sarili ko, ang dating baduy ngayon nakikisabay na sa uso. Binago, ko ang sarili para mapansin nya ako. Kala ko nga yun na ang huling pagkikita namin. Dahil siguro mabait ang tadhana sa amin. Nagtagpo ulit ang landas namin ni Gio. Sige ikukukwento ko sa inyo ang mala, korean drama naming kwento. Nasa paris ako noon, umattend kasi ako ng seminar, naglalakad ako sa street ng may tumawag sa akin si Gio pala. Lumapit sya sa akin tapos tiningnan nya ako. Para bang kinikilatis ako. Tapos bigla syang nagsalita "maganda ka dati kaysa ngayon" nagulat ako sa sinabi nya. Para tuloy nadissapoint ako, binago ko sarili ko para magustuhan nya, nag efforts pa nga ako sa pagpili ng make-up at pagpili ng damit para magustuhan lang nya. "ah ganun ba okay" tatalikod na sana ako pero pinigilan nya ako sa pamamagitan ng paghawak sa aking braso. "wait.. I mean, maganda ka noon, pero Mas maganda ka ngayon" sagot nya. Na stuck ako sa aking kinatatayuan dahil sa boltaheng kilig dahil sa sinabi nya. I feel the butterfly in my stomach, pakiramdam ko nga handa silang makawala kahit anong oras. Nag-init din ang aking mukha. Alam ko namumula na ito kaya, tinakpan ko gamit ng aking dalawang kamay. Tiningnan ko sya medyo napapasmile sya na parang ganito (^_^) "wag ka na munang aalis please?" pagsusumamo nya. "bakit? May gagawin pa kasi ako.!" sa totoo lang wala akong gagawin, nahihiya kasi ako sa kanya dahil pulang pula na ang aking mukha. "ah may sasabihin pa kasi ako sayo" sagot nya. "ano?" tanong ko. Huminga muna sya ng malalim at saka nagsalita " can you be my girlfriend?" medyo nahiya sya sa akin kasi iniwas nya ang kanyang tingin sa akin. Mas lalo naman, tumindi ang boltaheng nararamdaman ko, parang high voltage pa nga ata. Hindi ko alam ang sasagot ko, Yes o Oo. Teka anu ba maganda. Pero wala jan sa dalawa ang nasabi ko. Kung hindi tumango lang ako, sign na payag akong maging girlfriend nya. "YES!" sigaw nya. nahiya nga ako nung time na yan. Dahil sa nasa public place nga pala kami nyan. Nakita ko sa mukha nya na mahal talaga nya ako. Yung ngiti nya nang sinagot ko sya, alam ko naging masaya sya. Hindi na ako nagtaka na mahal talaga ako ni Gio dahil 4 years na kami ngayon, suportado nya ako sa bawat desisyon ko. He so sweet to me like a chocolates,.. May 8 2013 yan ang fifth aniversary namin. Naniniwala ako na ang "Eight" ay infinity. Kaya alam kong tatagal kami.
Posted on: Fri, 02 Aug 2013 14:17:10 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015