Ang mga Rehiyon ng Ilocos, Cordillera Administrative Region (CAR), - TopicsExpress



          

Ang mga Rehiyon ng Ilocos, Cordillera Administrative Region (CAR), Cagayan Valley, Kanluran at Gitnang Kabisayaan, Palawan, Zamboanga Peninsula at SOCCSKSARGEN ay makakaranas ng maulap na papawirin na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog. Ang Metro Manila at ang natitirang bahagi ng bansa ay magiging bahagya hanggang sa maulap na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog lalo na sa dakong hapon o gabi. Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa timog-kanluran hanggang timog ang iiral sa Hilagang Luzon at ang baybaying dagat sa mga lugar na ito ay magiging katamtaman hanggang sa maalon. Sa ibang dako, ang hangin ay magiging mahina hanggang sa katamtaman mula sa silangan hanggang timog-silangan sa nalalabing bahagi ng bansa na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan.
Posted on: Mon, 24 Jun 2013 05:54:57 +0000

Recently Viewed Topics




© 2015