Ano ang Kapahingahan ng Diyos? Ipinaliwanag ni Pablo sa mga - TopicsExpress



          

Ano ang Kapahingahan ng Diyos? Ipinaliwanag ni Pablo sa mga Kristiyanong determinadong sumunod sa Kautusan na ang mataas na pagkasaserdote ni Jesus, ang bagong tipan, at ang espirituwal na templo ay nakahihigit sa pagkasaserdote, tipang Kautusan, at templo ng sinaunang Israel. (Heb. 7:26-28; 8:7-10; 9:11, 12) Malamang na pangingilin ng lingguhang Sabbath sa ilalim ng Kautusan ang nasa isip ni Pablo nang isulat niya ang tungkol sa pribilehiyo ng pagpasok sa araw ng kapahingahan ni Jehova: “May nananatili pang sabbath na pagpapahinga para sa bayan ng Diyos. Sapagkat ang tao na pumasok sa kapahingahan ng Diyos ay nagpahinga na rin naman mula sa kaniyang sariling mga gawa, gaya ng ginawa ng Diyos mula sa kaniyang mga gawa.” (Heb. 4:8-10) Dapat tandaan ng mga Kristiyanong Hebreong iyon na hindi nila makakamit ang pagsang-ayon ni Jehova sa pamamagitan ng kanilang “sariling mga gawa,” o pagsunod sa Kautusang Mosaiko. Bakit? Dahil mula noong Pentecostes 33 C.E., ang pabor ng Diyos ay ipinagkaloob na sa mga nananampalataya kay Jesu-Kristo. Bakit hindi nakapasok sa Lupang Pangako ang mga Israelita noong panahon ni Moises? Dahil sa pagkamasuwayin. Bakit hindi makapasok sa kapahingahan ng Diyos ang ilang Kristiyano noong panahon ni Pablo? Dahil din sa pagkamasuwayin. Hindi nila naunawaan na tapós na ang papel ng Kautusan at inaakay na ni Jehova ang kaniyang bayan sa ibang direksiyon.
Posted on: Mon, 16 Sep 2013 23:42:26 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015