Anon By: Alia_Sy Part 1 Nasubukan mo na bang mag-iwan ng sulat - TopicsExpress



          

Anon By: Alia_Sy Part 1 Nasubukan mo na bang mag-iwan ng sulat sa isang lugar at unexpectedly may sumagot ng sulat mo pero wala kang idea kung sino ang sumagot nito? **************************************************************************************************************************************************************************************************************** Ako nga pala si Denise. Nasa huling taon ako ng highschool nang mangyari sa kin to. Masaya naman ang highschool life ko. Oh well di rin pala. “Hoy Miss byotipul! Ang ganda mo talaga!!!! hahahhaXD” sabay sipol sa kin ng nakakairita kong classmate na si Lee. Dumadaan na ko sa hallway nung sinabi nya yon. Hindi ko na lang sya pinansin kasi ayokong masira ang araw ko. Lagi nyang ginagawa sa kin yon. Ang asarin ako. Syempre ako dedma lang. Kasi kahit patulan ko pa sya, wala rin namang mangyayari. Aksaya lang yun sa effort ko. Pero napuno na rin ako nung dumating yung araw na yon. Pumasok ako sa room namin na mabigat ang loob. Wala akong maopen up sa problema ko. Hindi naman sa wala akong mga kaibigan. Pagdating lang kasi sa mga personal issues ko, ayokong may nakakaalam. I’m not selfish. It’s just that, its better kung ikaw na lang ang nakakaalam. Pagkaupung-pagkaupo ko,lumapit sa ken at inasar na naman ako ni Lee. “Hi miss byotipul! Ang yong kagandahan na naman ang aking nakita sa araw na ito. Kung iyong mararapatin, maaari ba kitang asawahin..hahahaha-” “Tumigil ka na!” putol ko sa sinabi nya sabay tayo mula sa kinauupuan ko. “Manhid ka ba? Ayokong inaasar mo ko! Akala mo ba natutuwa ako sa mga ginagawa mo? Pwes hindi! Nakakaloko ka na!” natahimik si Lee sa sinabi ko. Miski ang buong klase namin ay natahimik rin. Tumakbo na ko papaalis ng room namin at di ko na pinansin ang mga reaksyon nila. Pumunta ako sa isang lugar na walang tao at dun na bumagsak ang luhang kanina pang nagbabadyang bumagsak. “Naman eh! Ayan tuloy, nasigawan ko sya. Kung di na lang kasi tumahimik eh. Dumagdag pa sya sa problema ko.” Hindi talaga sya ang dahilan kung bakit ako umiiyak. Ewan ko ba, siguro dahil na rin sa bigat na nararamdaman ko nung mga oras na yon, sinulat ko lahat ng hinanakit ko sa isang papel nasa bulsa ko na may kasamang ballpen. Nagsimula na kong magsulat non. Bat ba me mga manhid na tao? Di ba nila alam na me problema ako? Ang lakas naman ng loob nya na gawin yon! Ayan tuloy, nasigawan ko sya! After nun, iniwan ko na lang yung papel na yon somewhere. Liliparin naman yan ng hangin sa palagay ko. Tapos nun umalis na ko at bumalik sa room ko. Pagbalik ko, wala dun si Lee. Pake ko ba? Tahimik lang rin ang mga classmate ko at nakikiramdam sa kin. Kinabukasan, hindi na ko inaasar ni Lee. Mabuti naman. Tahimik lang ang naging takbo nang pag-aaral ko nun . Nakatulong yun, atleast nakagaan yun ng loob ko. Pumunta ulit ako sa lugar na walang tao. Maganda ang lugar na yon kasi me puno run ng mangga na me katandaan na. Sa ilalim ng puno nun ay isang upuan na flat na gawa sa semento. Ako lang ang nakakaalam ng lugar na to kasi yung tito ko ang me ari ng school. Sinabi nya na pwede akong magstay run kung gugustuhin ko. Nung nandun ako sa lugar na yon, napansin ko na me nakaipit na nakatuping papel sa isa sa mga trunk ng puno ng mangga. Tumuntong ako sa upuan at kinuha ko yun. ‘Teka, ito yung papel ko kahapon ah? Akala ko nilipad na ng hangin?’ binuklat ko yun mula sa pagkakatupi at me napansin ako…. Me sumagot sa sulat ko? Ang nakalagay: Pwede ko bang malaman kung ano ang problema mo? -Anon- Sino kaya ang sumagot ng sulat ko? At teka? Pano nya nalaman ang lugar na to eh ako lang at si tito ang nakakaalam nito ah? Si tito ba ang sumagot? Funny.. Imposible kasi alam nya ang problema ko and to think of it, ang pangit naman yata na ang me ari ng school ay pumupunta sa lugar na to. I don’t know kung papatulan ko ang sulat na to pero mukhang wala namang masama di ba? So nagsulat rin ako. Buti na lang me dala akong ballpen sa bulsa. I wrote down. Alam mo anon kung sino ka man, nagpapasalamat ako dahil nagsulat ka sa papel na to. Akala ko liliparin na lang to ng hangin at mawawala na sa existence ng mundo..ahehehe… Tapos naging seryoso na ko sa pagsulat. Naghiwalay yung mama at papa ko. Hindi ko matanggap yun. Mahal ko sila pareho pero ayoko na lagi silang nakikitang nag-aaway. So they decided to end up their marriage. Ang sakit non sakin. (Then tears running down on my cheek while I wrote this letter). Gusto ko silang pagbatiin kasi ang hirap ng sira ang pamilya. Yung pinag-aawayan nila, yung paglalasing ni papa. Hindi kasi makontrol ni Papa ang sarili nya pag nakainom sya eh. Kung anu-anong bagay ang ginagawa nya. Katulad ng nilulustay nya yung pera nya sa Casino. Tapos binubugbog rin nya si Mama. Alam kong kasalanan ni papa pero sya pa rin ang papa ko eh. Sa ngayon, nakatira ako ke mama. Nasa kanya ang custody ko eh. Naiingit ako sa mga pamilyang buo ang pamilya at masaya. Buti nga lang nag-iisa akong anak. Kung sakali kasi na me kapatid ako, ayokong maranasan nya yung broken family. Anon, salamat ah. Napagaan mo ang loob ko. (Pinahid ko na yung mga luha ko). Wala kasi akong mapaglabasan nito eh. Ayoko lang iopen-up. -BlackWitch- Naglagay ako ng codename para naman alam nyang babae ako. Tinupi ko yung papel at inipit yun sa isa sa mga sanga para di liparin ng hangin. Sino kaya yung anon na yon? KINABUKASAN pagpasok ko sa school, hindi na ako inaasar ni Lee. Paminsan-minsan nahuhuli ko syang tumitingin sa ken pero agad rin nyang iniiwasan ang mga tingin nya pag nahuhuli ko sya. I know na nahihiya na sya sa ken after nung nangyari kahapon. Kaso, parang namiss ko naman ata yung pang-aasar nya. Ha? Ay mali. Sandali lang. Nasanay lang ako kasi parating ganun yung approach nya sa ken. Bumalik ulit ako sa tambayan ko and andun pa rin yung papel na inipit ko sa me sanga kahapon. Tumuntong ulit ako sa upuan kasi di ko sya abot at kinuha yung nakatuping papel. Umupo ako sa sementadong upuan at binuklat at ang papel na yon. And to my surprise, he replied to what I’ve wrote yesterday. He replied… Wow! gumamit ka pa ng codename ah. Nice…ahehehe ;p anyway, blackwitch alam mo, dapat di mo sinosolo ang problema mo. Yung problema mo kasi hindi sya pwedeng isarili lang. I’m happy because you were able to answer my question on you and don’t worry, it’s my pleasure to help you. You know what; I know na mahirap tong gawin pero you must accept the situation as it is. I think kasi nakapagdecide na yung mama mo at papa mo sa nangyari. All you have to do is support them especially your mom because she suffered a lot more than your father. Pasasaan bat malalagpasan mo rin yan. And hwag kang mainggit sa mga taong buo ang pamilya. Instead, make them as an inspiration para kung sakali na magkapamilya ka, hindi mo hahayaang maranasan nila yung naranasan mo and instead, pupunuin mo sila ng pagmamahal. Nga pala, salamat kasi akala ko suplada ka at babalewalain mo yung tanong ko. Hope ko na maging okay ka na kahit papano after mong maread tong sinulat ko. -Anon- After kong mabasa yung reply nya, napaiyak ko for a few minutes. Tama nga sya. Siguro for now, tatanggapin ko muna yung sitwasyon sa ngayon at suportahan ko sina mama at papa. Nang dahil sa sinulat ni Anon, gumaan ang pakiramdam ko. Kung sino ka mang anon, salamat. Kinuha ko ulit yung ballpen ko sa bulsa and I wrote again for him. I said… Anon, salamat ah. Nakatulong yung sinulat mo sa kin para gumaan yung burden na nararamdaman ko. Well, for now, unti-unti kong tinatanggap ang sitwasyon. Wala pang communication sa ngayon yung mama at papa ko. Sana nga kahit papano, maging okay na ang lahat. Alam kong malabo pang mangyari yon. Pero umaasa ako. -BlackWitch- Sa simpleng palitan namin ng sulat, we build a unique friendship kahit ang means of communication namin ay mga papel at ballpen. Naging tambayan ko na nga lagi yung lugar na pinupuntahan ko dahil sa kaniya eh. Minsan, gusto ko na ring malaman kung sino sya. Pero wala. Magaling magtago si Anon. We shared each others opinion. Like sya, nilalagay nya yung mga gusto nya. Dun ko nga napagtanto na lalaki sya base dun sa mga gusto nya. Nung tinanong ko sya, inamin naman nya, nahihiya nga raw sya na sabihin nya baka kasi dedmahin ko raw sya pag once na nireveal nya. Sabi ko naman sa kaniya okay lang yon. Si Lee naman, ganon pa rin sa kin. Iniiwasan nya ako. Kinakausap nya lang ako pag tungkol sa group works, pero pag hindi na, dinededma nya ako. Inopen-up ko yun ke Anon. Alam mo ba Anon, me classmate ako na madalas akong inaaasar noon kaso di na ngayon. Pano kasi, minsan me pagkamanhid sya. Di nya alam me problema na ko, nag-aasar na sya. Lee ang pangalan nya. Ui, nabanggit ko lang sya sa yo pero di ko sya crush no. Tho, cute naman sya. Panu kaya yon? Nailang siguro sya sa ken simula nung nasigawan ko sya. Iniiwasan nya ako eh. Ayaw ko lang na me nakakatampuhan sa room. Ang akward kasi ng feeling. Nakadagdag pa yung guilt na nararamdaman ko. -BlackWitch- LUNES ko na nakuha yung sagot kasi syempre walang pasok ng Sabado at Linggo malamang. Nung recess time namin sa umaga, pumunta na ko sa lugar na pinagtatambayan ko at binasa ulit yung sulat na nakagawian ko nang ginagawa. He replied again to me…. Siguro blackwitch lapitan mo sya para naman di nya mafeel na galit sya sa yo. Nahihiya siguro sya dahil sa nagawa nya. Mas maganda na ikaw ang gumawa ng first move kasi kahit na ipaubaya mo pa sa kaniya na sya ang lumapit, di rin yon lalapit dahil natakot na sya sa yo. Wag mo ring pairalin ang pride mo. Di yan nakakain..hehehe..biro lang Balitaan mo ko ah. -Anon- Nung binasa ko yun, napahiya ako sa sarili ko. Tama nga si Anon. Siguro mas maganda nga na ako ang lumapit at wag pairalin ang pride. So I did my move. Nung una, nahihiya talaga akong lumapit sa kaniya kasi iniisip ko na aasarin nya ako. Pero natapos ang hapon na hindi ko sya nalapitan kasi masyado syang busy. Pagkalabas ko ng gate, me biglang nagsalita na tao mula sa leftside ko. Nakatungo sya at nakapamulsa ng kamay. “Denise..pwede ba tayong mag-usap?” napatingin ako sa taong yun at nagulat ako sa nakita ko. Nakatingala na syang tumingin sa kin. “Lee?” NAGDECIDE kami ni Lee na dun muna tumambay sa may park. Umupo kami sa isa sa mga upuan roon sa ilalim ng puno ng narra. ITUTULOY Pahingi pong 50Likes para sa Next Part :D
Posted on: Wed, 03 Jul 2013 09:36:06 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015