August 04,2013 Pagtitibay: Iturin na ang bawat gawain ay - TopicsExpress



          

August 04,2013 Pagtitibay: Iturin na ang bawat gawain ay paglilingkod sa Diyos. LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Huwag kang kumalas sa kasalukuyang plano at gawain dahil magbubunga ito ng tagumpay. Ituloy ang tinatahak na landas at huwag baguhin, kapag nagbago laking pagsisi ang iyong aabutin. Kahit sino ang humadlang sa iyong mga plano, huwag padala. Lucky numbers at color for the day ay 5, 16, 29, 43 at yellow. VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Mahaba-habang sakriprisyo pa ang iyong bubunuin hanggang makamit ang iyong mga pangarap. Ipagpatuloy ang pagsisikap at pagtitiyaga dahil kung mawalan ka ng pag-asa lalong hindi ka makakaahon sa iyong kalagayan. Sa aspetong pag-ibig, makakabawi ka naman dahil ang minamahal ay mananatiling tapat sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 1, 2, 28, 36 at sky blue. LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Kunsumisyon sa trabaho at maging sa bahay ang iyong aabutin ngayon. Para maging balanse ang enerhiya ng harmoniya sa kapaligiran, taos pusong pa­nalangin ang kailangan. Huwag mag-alinlangan sa iyong gagawin kung taos puso, malinis at walang masasaktan ang resulta ay tagumpay ka. Lucky numbers at color for the day ay 6, 12, 26, 37 at pink. SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Isang magandang oportunidad ang mawawala dahil sa maling pasya kung hindi mag-iingat. Anuman ang dapat pagpasiyahan, pag-aralan ng mabuti para hindi magkamali at pagsisihan. Walang masama kung humingi ng pangalawang opinyon sa inaakalang higit na nakakaalam para makatiyak na hindi pumalpak sa gagawin. Lucky numbers at color for the day ay 10, 15, 19, 37 at violet. SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Patuloy sa pagtaas ng antas ang iyong life style at pakikihalubilo sa mga taong kilala sa lipunan, bagay na makapagpupundar ng mga koneksyon sa iba’t ibang sangay sa pamahalaan at pribadong sector. Mag-ingat lamang dahil may ilan na gagamitin ka para sa sarili nilang kapakanan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 11, 26, 38 at pale yellow. CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Makukulitan ka sa mga pangaral sa iyo sa inyong bahay o sa mga mapagbirong kasamahan o kaibigan. Dagdagan mo ang iyong pasensya at pagkamaunawain dahil kung paiiralin ang pagkapikon, tiyak may mangyayaring hindi kanais-nais na iyong pagsisisihan. Sadyang malapit ka ngayon sa mga taong mang-iinis sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 13, 19, 22, 31 at indigo. AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – May dahilan para magsaya dahil may bagay kang mapagtatagumpayan. Makakabuting ilihim muna ang tagumpay, nakamit at hayaan na lamang na malaman nila sa bandang huli. Maaaring madawit ka ng dahil sa gawa ng iba pero maiiwasan kung magiging alerto at mapagmasid. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 33, 39 at fuchsia. PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Pangalagaan ang kapakanan. Huwag maging marahas sa gagawing mga desisyon o hakbang. Unawain at pag-aralan ang bawat detalye bago isagawa ang balak o pinaplano. Maaaring problemado ka sa ibang bagay pero magiging masaya naman kung usaping pampuso ang sangkot. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 28, 39 at red. ARIES (Marso 21- Abril 19) – Kung babaguhin mo ang estilo ng iyong pananamit at buhok, tiyak maraming hahanga sa iyo. Kung babaguhin mo ang estilo ng iyong pakikipag-kapwa tao, tiyak marami kang mahahatak na maging kaibigan. Alam mo ang iyong sarili at tiyak alam mo kung ano ang masama sa iyo na dapat mong baguhin kaya dapat lang simulan na ito. Lucky numbers at color for the day ay 20, 23, 31, 39 at yellow. TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Kung naguguluhan ka sa kakaisip sa taglay na problema na tila baga walang solusyong mahagilap, makabubu­ting kumunsulta ng isang psychic para maliwanagan at magkaroon ng tamang gabay. Walang masama kung hihingi ng tulong sa iba kung talagang hindi kaya ng sarili. Hindi ikaw ang makakaresulba sa sariling problema kundi ibang tao. Lucky numbers at color for the day ay 8, 18, 29, 33 at scarlet. GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Huwag mag-alala dahil nasa tamang landas ka ng tagumpay kung hindi babaguhin ang binabalak, gawin kaagad at walang panahon na sasayangin. Huwag kang padala sa sulsol dahil sisirain ang iyong mga plano. Mabuting tumahimik at gawin ang plano. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 15, 38 at jade green. CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Mahigpit kang binabantayan ng iyong ka-partner dahil sa selos, kaya doblehin ang pag-iingat. Huwag hayaang magkaroon ng pagseselosan dahil kapag nagkataon, malaking gulo ang mangyayari. Bigyan ang ka-partner ng full attention para mabura sa isipan ang selos. Yayaing lumabas o bigyan ng regalo. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 24, 39 at pink. User code -JB135791-
Posted on: Sun, 04 Aug 2013 01:53:13 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015