BALITANG ABROAD OFWs binalaan sa illegal forwarders (Armida - TopicsExpress



          

BALITANG ABROAD OFWs binalaan sa illegal forwarders (Armida Rico) Muling pinaalalahanan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga ‘overseas Filipino worker’ (OFW) na umiwas na magpadala ng kanilang mga bagahe sa mga ‘cargo forwarder’ na hindi akreditado ng ahensya upang matiyak na makakarating ang kanilang mga padala sa mga kaanak sa Pilipinas. Base sa ‘consumer alert’ na inilabas ng DTI, nasa 153 reklamo na ang kanilang natatanggap ng hindi pagkaka-deliber ng mga balikbayan box buhat sa iba’t ibang panig ng mundo nitong taong 2012. Ayon kay DTI Undersecretary for Consumer Welfare Zenaida Maglaya na ang mga kumpanya na nakatala lamang sa Philippine Shippers Bureau (PSB) ang maaaring mapagkatiwalaan ng mga OFW sa kanilang mga ‘balikbayan box’ dahil ang mga ito ay natitiyak nilang sumusunod sa pamantayan ng pamahalaan. abante.ph/issue/jul2113/abroad02.htm
Posted on: Sat, 20 Jul 2013 21:55:25 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015