BALITANG ABROAD Pinoy jobs sa Taiwan, nasungkit na ng - TopicsExpress



          

BALITANG ABROAD Pinoy jobs sa Taiwan, nasungkit na ng Vietnamese (Bernard Taguinod) Nauwi sa ‘nganga’ ang inaasahang babalikang trabaho ng mga Pinoy sa Taiwan dahil umano sa kabagalan ng gobyerno ng Pilipinas na resolbahin ang gusot na namagitan sa bansa at Taiwan na nag-ugat nang mapatay umano ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang Taiwanese fisherman nitong Mayo sa Balintang Channel. Ito ang kinumpirma ng overseas Filipino workers (OFWs) na bitbit ni OFW Family Party-list Rep. Roy Seneres sa kanyang press conference sa Kamara kahapon ukol sa pagkaka- stranded ng OFWs sa bansa sa loob ng nakaraang dalawang buwan. Ayon kay Lulu Abad, isa sa OFWs na kasama ni Seneres, lumalabo umano ang kanilang pag-asang makabalik sa Taiwan dahil ang trabaho na naghihintay sa kanila roon ay ibinigay na sa ibang lahi tulad ng Vietnamese, Indian, Thailand nationals. “Dapat slot namin ‘yun pero ibinigay na sa Vietnamese,” pahayag ni Abad na isa sa mga nabigong makabalik sa Taiwan matapos magbakasyon nang magkaroon ng problema ang dalawang bansa. Dahil dito, gumanti ang Taiwan at ipinagbawal ang pagkuha ng Filipino workers na magtatrabaho sa kanilang mga pabrika kaya hindi nakabalik ang mga nagbakasyong OFWs bago sumiklab ang gulo. “Balita namin nagkulang daw ang mga tao (workers) kaya kumuha ng ibang lahi, kumuha sila ng Vietanamese,” ayon pa kay Abad. Sinisi naman ni Seneres ang gobyerno dahil masyado umanong mabagal ang naging aksyon ng mga ito kaya naapektuhan ang OFWs na sana ay nakabalik na sa Taiwan noong Mayo. Joy
Posted on: Tue, 09 Jul 2013 04:25:06 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015