BALiTANG ABROAD via Abante News Pinay nurse patay sa - TopicsExpress



          

BALiTANG ABROAD via Abante News Pinay nurse patay sa coronavirus (Aries Cano) Binawian ng buhay ang isang Filipina nurse makaraang kapitan ng coronavirus sa Saudi Arabia. Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ito ang kauna-unahang nakapagtala ng pagkamatay ng kababa­yan na nakabase sa Kingdom na dinapuan ng naturang sakit. Kinumpirma ng DFA kahapon na isang 41-anyos na Filipina nurse ang namatay matapos kapitan ng nakakahawang virus. Sa press briefing sinabi ni DFA spokesman Assistant Secretary Raul Hernandez na nasawi ang nasabing Pinay nitong Agosto 29 matapos maratay sa intensive care unit (ICU) ng isang ospital sa Riyadh sa loob ng pitong araw. Binabanggit na unang na-admit sa ospital ang Pinay noong Agosto 12 matapos matinik at makalipas ang dala­wang araw pagsapit ng Agosto 14 ay na-discharge ito ng ospital. Pero matapos ang limang araw muling isinugod sa ospital ang Pinay dahil sa lagnat na nauwi sa pagkakaroon ng respiratory problem. Inilipat sa ICU ang nasabing Pinay matapos makumpirma na nagkaroon ito ng pneumonia, at sa patuloy na pagsusuri sa biktima, lumitaw na kinapitan ito ng coronavirus na sanhi ng pagkamatay nito. Kaugnay nito, isa pang Pinay ang kinapitan ng nakakahawang coronavirus sa Saudi at batay kay Hernandez, mismong employer ng nasabing OFW ang nagsugod dito sa ospital sa Riyadh matapos makitaan ng mga sintomas na dinapuan ito ng nasabing nakamamatay na sakit. Gayunpaman, sinabi ni Hernandez na bumubuti na ang kondisyon ng nasabing Pinay. ___
Posted on: Wed, 18 Sep 2013 05:02:10 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015