BITAW. May mga bagay na dapat mo nang bitawan kahit ayaw mo pa. - TopicsExpress



          

BITAW. May mga bagay na dapat mo nang bitawan kahit ayaw mo pa. Mga bagay na nagpapalungkot sa dapat sanang mukha mong masaya. Mga bagay na kahit pa gaano ka katibay at katatag na hawakan, darating sa punto na kailangan mo nang bitawan. Pagbitaw hindi dahil sa pagod ka na kundi dahil sa nagawa mo na ang lahat pero wala ang resultang hangad. Kung minsan matalino din ang pagsuko. Hindi kasi sa lahat ng bagay dapat kang lumaban. May mga ilang bagay na dapat mong sukuan. Pagsuko na swak sa sitwasyon at hindi pagsuko na masabi lang. Sumuko ka kung sa palagay mo nagawa mo na ang lahat para wala kang pagsisihan sa dulo ng laban. Mahirap magdesisyon. Dapat marunong kang tumimbang ng sitwasyon. Maaaring nadadala ka lang ng panandaliang emosyon o kaya naman ng mabilis mong aksyon. Nakakatakot kasi si Mr. Pagsi C. Sy. Bigla bigla nalang eentrada sa huli kaya di mo tuloy malaman kung tama bang sumuko na o dapat pang lumaban pa. Ah basta ang mahalaga mapanindigan mo ang bawat mong aksyon para sa huli hindi ka talo. Magiging masaya ka rin. Malay mo sa pagbitaw mo sa kanya may taong sasalo sayo. Isang taong matagal ng naghihintay sa pagbitaw mo. Sige ka baka sumuko na rin yun sayo. -JheMaick
Posted on: Sun, 04 Aug 2013 11:08:36 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015