BITAY SA PINAY DRUG MULE, INAPELA NI PNOY (ABANTE) Umapela na - TopicsExpress



          

BITAY SA PINAY DRUG MULE, INAPELA NI PNOY (ABANTE) Umapela na si Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III sa Chinese go­vernment sa hatol na kamatayan sa Filipina drug mule na nakatakdang bibitayin anumang oras ngayon hanggang Hulyo 2. Ito ang kinumpirma kahapon ni Presidential spokesman Edwin Lacierda kung saan sinabi nitong sumulat na ang Pangulo sa pamahalaan ng China para maibaba ang parusa sa 35-anyos na Pinay. “From the press briefing of Department of Foreign Affairs (DFA) spokesman Raul Hernandez, President Aquino has written a letter of appeal requesting the commutation of a death sentence,” ani Lacierda. Ang liham ng Pangulo ay naka-address kay Chinese President Xi Jinping, kung saan hinihiling na ibaba sa life imprisonment ang parusa sa nasabing Pinay. Nauna rito, kinumpirma ng DFA ang hatol na bitay sa hindi pinangalanang Pinay. Anumang oras mula ngayon hanggang Hulyo 2, ngayong taon ay maaa­ring isagawa ang pagbitay sa Pinay, ayon kay Hernandez. Ang Pinay ay naaresto noong Enero 2011 sa airport ng China, matapos madiskubre ang heroin sa kanyang bagahe. Inaresto din ang Pinoy na kasama nito na may 6.171 kilo naman ng heroin sa sarili nitong bagahe. Inihayag ni Hernandez na 18 beses nagpabalik-balik sa China ang Pinay. Sinabi ni Hernandez na naimpormahan na ang pamilya ng Pinay at ina­ayos na ang paglipad ng mga ito sa China. Ginawa rin umano ng gobyerno ng Pilipinas ang representasyon sa lahat ng antas sa pagitan ng Chinese government at piniga ang lahat ng mga remedyong ligal para sa kapakanan ng death row Pinay. Gayunpaman inamin ni Hernandez na sa mga nagdaang kaso ay nabigo ang Pilipinas na maiapela ang hatol sa mga Filipino na nakahilera sa death row sa China. “We had other cases before, four cases, but in the end, the four were executed,” ani Hernandez. “As of June 2013, there are a total of 213 drug-related cases involving Filipino nationals in China.” Sa bilang na ito ayon pa sa DFA ay 28 ang nahatulan ng death penalty (with two year reprieve), kabilang na rito ang lalake na binanggit na kasama ng 35-anyos na Pinay. Posted BY: Mocha
Posted on: Fri, 28 Jun 2013 04:30:45 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015