Bago gamitin ang Bible para ibato sa kapwa, para manghusga o para - TopicsExpress



          

Bago gamitin ang Bible para ibato sa kapwa, para manghusga o para magkulong ng isip ng iba, suriin muna kung tama ang pagkakaintindi sa nakasulat. We are at least two thousand years away from the newest verse of the New Testament and at least three thousand years away from the ink used in writing the first verses of the written Old Testament. Meanwhile, the written form of the OT was derived from still hundreds or thousands-of-years-away oral traditions. Ang layu-layo na natin sa original sources. Ang layo ng panahon. Ang layo ng lugar na pinangyarihan. Ang layo ng social, political, cultural, artistic, moral and religious context. Ang layo ng mentality, values and traditions. Ang laki-laki ng posibilidad na magkamali ng pag-unawa ang nagbabasa, lalu na kung hindi sanay sa biblical, historical at cultural scholarship. Kailangan educated and skilled ang sinumang seryosong magbubungkal sa Bible, lalu na kung para ituro ito sa iba. Parang archaeology yan, hindi basta hukay ng hukay; dapat may training at may method. Pag ang basa, interpretasyon at application ay malayo o salungat sa pag-ibig at pagiging maibigin ni Jesus, PAGDUDAHAN ang interpretasyon. Ang maka-Jesus na theology ay magalang, maibigin, mapagpatawad, mapag-tangap at hindi pala-away, hindi mapanghusga at hindi malupit. . . . . Ed Lapiz
Posted on: Sun, 30 Jun 2013 09:13:05 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015