Bagong halal na solons prayoridad ang Customs modernization - TopicsExpress



          

Bagong halal na solons prayoridad ang Customs modernization bill LAHAT GUSTO NANG BAGUHIN SA CHACHA P2.2 trilyong budget iraratsada ng Kamara Naninigarilyo babawasan ng gobyerno Pagsama ng militanteng solons sa grupo ni Gloria nakabitin pa Pagkuha ng Malacañang sa serbisyo ng survey firms ipinagtanggol Bagong halal na solons prayoridad ang Customs modernization bill Saudi princess kinasuhan sa human trafficking Kumpiyansa ang Bureau of Customs (BOC) na mabibigyan ng prayoridad ng mga bagong halal na mambabatas sa Kamara ang agarang pagsasabatas ng Customs Modernization bill upang tuluyan nang maamyendahan ang 1957 Tariff and Customs Code of the Philippines (TCCP). Ayon kay BOC Commissioner Ruffy Biazon na dati ring kinatawan ng Muntinlupa, kumpiyansa siyang marami sa kanila ang tiyak na mangunguna sa pagsusulong ng panukalang batas dahil batid nila na ito na ang tamang panahon upang mabago at mai-update ang mga patakaran na nakasaad sa 56 na taong gulang na Customs Code. “Nakalulungkot isipin dahil hindi ito (modernization bill) naipasa sa nagdaang 14th at 15th Congress pero sa nakikita at nararamdaman ko ngayon sa ating mga mambabatas na batid ang kahalagahan na maipasa ang nasabing panukalang batas, hindi magtatagal at bago pa man matapos ang termino ng ating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino sa 2016 ay magiging ganap na batas na ito,” ani Biazon. Paliwanag pa niya, magkakaroon ng pangil ang ahensya sa tuluyang pagsugpo ng smuggling activities sa bansa at lalong mapalalakas nito ang sistema sa revenue collection kapag naamyendahan na ng Kongreso ang TCCP. Malaking bagay rin umano ito upang makatugon ang ating bansa sa mga pamantayan sa customs services sa buong mundo ayon sa nakasaad sa Revised Kyoto Convention, dagdag pa ni Biazon. Matatandaang noon pang Pebrero 2006 nagsimulang ipatupad ang nasabing convention subalit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nakatutugon ang bansa sa pamamagitan ng pagbago ng mga patakaran na nasa loob ng TCCP. admin xcrid
Posted on: Fri, 12 Jul 2013 11:57:10 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015