Basa basa lng pag may time :P Paano kung bumalik ang tunay mong - TopicsExpress



          

Basa basa lng pag may time :P Paano kung bumalik ang tunay mong pag-ibig? Ang tagal mong umasa. Ang tagal mong naghintay. Ang tagal mong hiniling na sana balikan ka niya, na sana kayo nalang ulit. Ang tagal mong iniyakan yung mga ala-alang nasayang simula nung iniwan ka niya at naghiwalay kayo. Lumipas ang isang taon, nagkakausap kayo, kinakamusta ka niya, pero parang hanggang dun na nga lang talaga, hanggang kaibigan nalang kayo. Parang wala nang pag-asa. Ni hindi mo na ulit narinig mula sa kanya na mahal ka pa niya. Dumating yung araw na parang napagod ka na, napagod masaktan, napagod maghintay, napagod umasa, napagod umiyak, napagod magmahal. Kaya parang wala ka na ding maramdaman. Wala ka nang makapang kahit ano. Wala na nga ba talaga? O pinilit mong wag makaramdam? NAPAGOD pero hindi NAGSAWA. Napagod ka, nakapagpahinga ka na. Ngayon, handa ka na ba ulit? Akala mo wala na talaga. Akala mo closure nalang ang kailangan mo. Akala mo dun na talaga natapos ang lovestory niyo. Nagawa mong tumingin sa iba. Kasi for the first time, naramdaman mong kiligin ulit. Naramdaman mong kahit papaano maging masaya kahit wala na siya sa buhay mo. Handa ka nang binatawan siya para sa bago mo. Kasi akala mo yun yung tama. Akala mo yun yung nararapat, yung pakawalan mo na siya at wag itali ang sarili mo sa kanya para hindi ka na masaktan. Pero tama nga sila, “madaming namamatay sa maling akala". Lahat pala ng “akala" mo akala lang talaga. Ni hindi ka manlang nagtamang hinala. Lahat ng inisip mo, mali. Bumalik siya. Andyan siya. All this time hinihintay ka niya. All this time ikaw pa din talaga ang mahal niya. Ngayon, kaya mo pa ba talagang bitawan siya? Minsan ka nalang makakahanap ng taong mamahalin ka ng totoo, yung taong gagawin ang lahat para sayo. Kaya mo bang mawala siya ulit sayo? Lahat ng nararamdaman mo bumalik nung nagkasama na ulit kayo. Lahat ng sama ng loob, lahat ng sakit, nakalimutan mo. Muli, naramdaman mo na parang wala ka nang hihilingin pa, na kumpleto na dahil nandiyan na siya ulit. Siya pa din pala talaga ang hinihintay mo. Siya pa din ang kailangan mo. Ngayong napatunayan niya sayo na mahal ka talaga niya, sasayangin mo pa ba tong pangalawang pagkakataon na ibinigay sa inyo, yung pagkakataong matagal mo nang inaasam. TIWALA. Bukod sa pagmamahal, yun ang mas kailangan niyo. Tiwala sa isa’t isa. Tiwala na kaya niyo, para mas maging matatag kayo. Na ngayon, di niyo na uulitin yung mga pagkakamaling nagawa niyo noon. Na ngayon, magkasama, ipaglalaban niyo yung tunay na nararamdaman niyo. Tiwala, malalagpasan niyo lahat ng pagsubok na darating sa inyo. "Breaking up is not the end, it’s another obtacle, another part of our story". Nalagpasan niyo na ang pinakamalaking pagsubok, ang climax ng story niyo. Mas matapang na kayo ngayon para sa mga susunod pa. Back to zero ulit kayo. Kalimutan yung hindi magagandang nangyari noon. Pero this time, mula sa zero, patuloy kayong magbibilang at kailanma’y hindi na hihinto. Agila
Posted on: Sat, 03 Aug 2013 07:44:08 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015