Boy: Hoy, Pangit! kamusta? Girl: Bakla ka naman! Boy: sus, gusto - TopicsExpress



          

Boy: Hoy, Pangit! kamusta? Girl: Bakla ka naman! Boy: sus, gusto mo lang halikan kita no? Girl: of course not. bakla ka naman talaga kasi oh nangaalipusta ka ng babae. Boy: (kisses girl) sinabihan na kita, eh makulit ka. Girl: (pinunasan ang lips nya) hindi ka lang bakla eh, bastos ka pa! Boy: nakakahalata na ko ha. Ilang beses mo bang uulitin ang pagsasabi na bakla ako? Revise natin. Ilang beses mo gustong halikan kita? Girl:hoy! kahit pa sabihin na pangit nga ako hindi ako ganun kadesperada. Kahit pa hearthrob ka dito sa campus, Wag kang masyadong mayabang. Balang araw, may lalaki ding magsasabi na ako ang pinakamagandang babae sa mundo at kaya nya kong ipagmalaki kahit kanino. I have to go. Hindi ang isang bastos na katulad mo ang dapat kong pagaksayahan ng oras ko! Boy: (kisses girl once more) Di ba yun na nga ang ginagawa ko? Sa dinami dami ng babae dito sa school ikaw nga lang ang nagagawa kong asarin at halikan sa harap ng madaming tao. Sorry naman kung feeling mo nilalait kita. Alam ko naman kasing pag sinabi kong maganda ka, iisipin mo binobola lang kita. Bakaiwasan mo ko. Mas okay na sakin na asarin ka ng asarin atleast hindi ka maiilang sakin at palagi mo kong napapansin. Ikaw ang pinakamagandang babae na nakilala ko at sa tingin ko mahal na talaga kita. Girl: (speechless) ewan ko sayo.. Boy: thank you. Girl: saan? Boy: dahil nagalit ka sakin, sa wakas nagkaroon ako ng pagkakataon na aminin sayo ang lahat. Sa wakas nagkaroon ako ng lakas ng loob na umamin sayo.. Girl: hmpp! oh tapos? sasabihin mong "Joke lang!"? Boy: Hindi. seryoso na talaga ko. Ano pa bang patunay ang gusto mo? Halikan kita ulit? Girl: Wag na no. Sobra sobra na pananantsing mo. Okay na. Boy: So tayo na? Girl: hoy ang bilis naman! Boy: Eh di sige saka mo na ako sagutin kapag ready ka na.. Girl: huh? bakit nanligaw ka ba? Boy: hindi kita nililigawan no. Girl: sabi ko na nga ba pinagtitripan mo lang ako! Boy: trip na trip ka ng puso ko. hahaha! Girl: ang baduy mo! Boy: Kasalanan mo.. Girl: Sira ulo ka! Boy: Kung ganon, ikaw ang may problema. Girl: bkit ako? Boy: Sira ulo ako eh ikaw lang naman ang laman nito. Girl: tse! Jan ka magaling, sa pangaasar! wala kang pinalipas na araw na hindi mo ko inaasar. Wala kang puso! Boy: Eh di ipahiram mo sakin yung sayo. Girl: He! Adik ka talaga! Boy: Sayo lang naman! Hahaha paraparaan. . . . boommmmm HAHA Kulett ..
Posted on: Fri, 05 Jul 2013 06:15:13 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015