By: Yzah Lee Pumunta ang Philippine Association of Colleges and - TopicsExpress



          

By: Yzah Lee Pumunta ang Philippine Association of Colleges and Universities Commission on Accreditation (PACUCOA) team kanina sa school. Wrong timing naman na pumunta kami ng seminar kaninang umaga. Kaya halos 2:30 PM na ko nakapunta sa school. Limited lang tuloy ang mga na-observe ko. Ilalagay ko na rin ang mga nakalap kong information/observations from other students. Dahil sa pagbisita ng PACUCOA: * Luminis ang lahat ng mga offices at classrooms sa school. Yung iba ay binago pa ang mga set-up. Ganun din sa mga laboratories. Mayroon ding mga bagong pintura. * Updated ang lahat ng mga bulletin boards. Magaganda ang mga designs and contents. (Pero mas maganda siguro kung susunod sila sa mga recommended guidelines on making bulletin boards.) * Lahat, o halos lahat, ng mga teachers, professors, and staff ay present. * Kumpleto ang mga reports and other paper works ng mga departments. * Mayroong instant S.A. ang bawat sections sa elementary. (Ang mga S.A. ay nasa pre-school lamang talaga may naka-assign.) * Mayroong instant portfolio ang mga estudyante sa high school. Ito ay clear book na kung saan ico-compile ang kanilang outputs. * Nagulat talaga ko pagpasok ko sa gate, aba may cap ang mga guards at talagang nagi-inspect na sila. (Kasi kadalasan kapag mga hapon o gabi na hindi na sila nagi-inspect ng bag sa mga pumapasok.) * Nabawasan ang mga estudyanteng nakatambay sa mga upuan sa corridors. (Nagsitaguan yata sa library.) * At dahil io-observe ang mga teachers, prepared na prepared sila with their bonggang bonggang teaching strategies and instructional materials. * Napansin ko na instant Christmas ang feeling dahil sa mga Christmas lights design na talagang may ilaw kahit hapon. Nakapalibot ang mga ito sa mga halaman doon sa "mini park" featuring Rizal and his well * Napansin ko rin na nagkaroon ng instant, ano ba iyon, floor plan o exit plan o evacuation plan? Nakadikit iyon sa may dingding ng second floor ng Science Building, siguro lahat ng floor mayroon. Hindi ko masyadong natitigan. Basta iyon na iyon. * Etong isa kong napansin eh hindi ko masyadong sigurado, titingnan ko ulit bukas. May ilaw na red ang CCTV camera sa second floor ng Science Building. Ibig sabihin gumagana siya kanina. Parang ngayon ko lang napansin na may ilaw iyon. * May nagra-round na guard sa second floor kanina. Medyo ngayon ko lang din iyon napansin. * Kapag tatawid, may escort talaga. * Yung feeling na parang lahat ng tao sa loob ng school, mula sa admin hanggang sa staff, eh sobrang bait, approachable, at maasikaso to the highest level kanina. Sayang talaga na hindi ko nakita lahat. -.- Nagbunga nang maganda ang lahat ng mga preparations ng ating institusyon. Good job! Pinaghirapan talaga and lots of effort. Aba, tunay ngang maganda ang pagbisita ng PACUCOA team. Very ideal, lahat talagang they showed their very best. Sana araw-araw na lang bumibisita sa paaralan ang PACUCOA. Para araw-araw hayahay ang buhay. :) Araw-araw nagpapanggap. :)
Posted on: Tue, 09 Jul 2013 14:07:09 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015