CONGRATULATIONS!!!!!!! Dating labandera at kasambahay, nag-No. 6 - TopicsExpress



          

CONGRATULATIONS!!!!!!! Dating labandera at kasambahay, nag-No. 6 sa Forester Licensure Examination ILOILO CITY - Kahirapan ang naging inspirasyon ng dating labandera at kasambahay na pumang-anim sa Forester Licensure Examination na ibinigay ng PRC. Sa panayam ng Bombo Radyo kay Liezel Dela Cruz Baron ng Brgy. Cubay, San Dionisio, Iloilo at nagtapos sa West Visayas State University College of Agriculture and Forestry sa Lambunao, Iloilo, sinabi nito na ang nakuhang mataas na rating sa board examna 84.75 percent ay bunga ng kanyang pagsakripisyo upang makapagtapos. Si Baron ay unang kumuha ng kurso na BS Secondary Education sa WVSU sa La Paz, Iloilo City ngunit huminto dahil nagtatrabaho siya bilang kasambahay habang nag-aaral. Siya ay nakipagsapalaran sa Metro Manila at nagtrabaho sa laundry shop bilang labandera. Makalipas ang ilang taon, bumalik siya sa Iloilo at muling pumasok bilang kasambahay hanggang nakakuha siya ng scholarship sa WVSU College of Agriculture and Forestry kung saan siya nagtapos. Si Baron ay bunso sa 12 magkakapatid at aniya, nagsikap siyang makapagtapos dahil hindi nakapag-aral ang kanyang mga kapatid. Napag-alaman na 638 ang kabuuang kumuha ng nasabing eksaminasyon at 189 lamang dito ang nakapasa kung saan nag-No. 1 si Nelissa Maria Rocas ng UP Los Baños na may 88.10 percent na rating. admin candy :D
Posted on: Fri, 19 Jul 2013 03:56:01 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015