Call center agent hinoldap na, binaril pa Ni Danilo Garcia - TopicsExpress



          

Call center agent hinoldap na, binaril pa Ni Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) | Updated October 4, 2013 MANILA, Philippines - Kritikal ang isang 23-anyos na call center agent makaraang barilin ng isa sa dalawang holdaper na nambiktima dito kamakalawa ng gabi sa Pasay City. Inoobserbahan ngayon sa Pasay City General Hospital ang biktimang nakilalang si Blando Estabillo, ng Delas Alas St., ng naturang lungsod. Nagtamo ang biktima ng tama ng bala ng baril sa sikmura. Sa ulat ng Pasay Police, naglalakad papasok sa trabaho ang biktima sa may Taylo St. dakong alas-9:15 ng gabi nang harangin ng dalawang suspect at tutukan ng baril at holdapin. Ibinigay naman umano ni Estabillo ang cellular phone nito na nagkakahalaga ng P9,000 subalit bago tumakas ay binaril pa siya ng isa sa mga holdaper ang biktima saka sumakay sa isang tricycle. Umaasa naman ang pulisya na tuluyang makakarekober si Estabillo upang makapagbigay ng pahayag at pag-asang kakilala o namukhaan nito ang mga salarin. philstar/psn-metro/2013/10/04/1241133/call-center-agent-hinoldap-na-binaril-pa
Posted on: Fri, 04 Oct 2013 00:50:00 +0000

Trending Topics



down) This game was not
Competing against each other leaves little space for reciprocity

Recently Viewed Topics




© 2015