DA WHO ITETCHIEWA Mayamang senador, cowboy pala Naturingang - TopicsExpress



          

DA WHO ITETCHIEWA Mayamang senador, cowboy pala Naturingang “konyo” ang isang mambabatas na ito subalit ang hindi alam ng lahat ay may pagka-cowboy din pala ito. Ito ang kuwento ng isang bubuyog sa Senado dahil hindi nila akalaing wala pala itong arte sa pagkain kahit na ang kinakain nito ay nalaglag na sa table. Bago ito, nakipagkuwentuhan muna ang mambabatas sa ilang media friends habang kumakain ng pinahanda niyang lunch para sa mga ito. Natuwa pa nga ang ilang media dahil sobrang daldal ng mambabatas na ito at kahit anong tanong tungkol sa private life niya ay kanya namang sinasagot. Pero kahit abala sa pagkukuwento, tuloy rin ang pagnamnam nito sa pagkain na inihanda nito, hanggang sa malaglag ang isang piraso ng ulam sa table. Sa halip na pabayaan na ang pagkain, walang kaabog-abog na dinampot ng mambabatas ang naturang piraso ng ulam sabay isinubo sa kanyang bibig. Nagulat nga ang mga kaharap nitong media dahil hindi nila akalaing marunong din palang manghinayang ang mambabatas na ito gayong kilala naman siyang mula sa angkan ng rich and famous. Nagpatay-malisya na lamang ang mga media sa tagpong iyon at nagpatuloy sa masayang kuwentuhan at kainan. Clue: Mula sa angkan ng rich and famous ang mambabatas na may letrang “M” sa kanyang apelyido as in “Matipid” daw ang mga Ilokano.
Posted on: Mon, 19 Aug 2013 06:16:50 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015