DA WHO ITETCHIEWA Solon ginagawang katulong sa bahay ang mga - TopicsExpress



          

DA WHO ITETCHIEWA Solon ginagawang katulong sa bahay ang mga staff Sino ang mambabatas na ito na papalit-palit ng mga tauhan sa kanyang tanggapan dahil ginagawa niyang katulong ang mga ito sa kanyang bahay na nagpapababa umano sa reputasyon ng mga edukadong staff? Sa report na nasagap ng DPA na ipis, sa halip na kumuha ng ibang kasambahay ang mambabatas ay pinapupunta nito ang mga tauhan sa kanyang opisina sa Kamara para katulungin. Nabatid na kapag nasa kanyang bahay ang mga staff sa Kamara na pawang mga edukado, ay pinaglilinis ang mga ito ng kanyang bahay, pinaghuhugas ng plato o kaya’y naglilinis ng inidoro sa kanilang banyo. Wala umanong magawa ang mga staff kundi sumunod dahil anumang oras ay puwedeng i-terminate ang kanilang kontrata subalit marami ang hindi nakakatiis at nagre-resign na lamang. Ang hindi lamang malaman ay kung may extra pay ang mga tauhan ng mambabatas na ginagawa nitong katulong sa kanyang bahay na hindi naman kalayuan sa Batasan Pambansa. May mga staff ang pinapauwiumanong ala­nganing oras sa gabi kapag nagkakatulong ang mga ito sa bahay ng solon gayung ang kanilang trabaho sa Kongreso ay hanggang alas-siyete lamang ng gabi at apat na araw kada linggo lamang ang kanilang pasok. Sumasamaumano ang loob ng mga staff ng mambabatas dahil mas­yadong matindi ang hinahanap nitong kuwalipikasyon bago sila tanggapin bilang congressional staff sa kanyang opisina sa Kamara. Kung maaari ay may malawak na karanasan sa political world at legislative work bukod sa nag-aral ang mga ito sa mga kilalang unibersidad, bago sila matanggap bilang staff sa kanyang tanggapan. Pero kapag nagtrabaho na, ginagawa lamang silang katulong sa bahay gayung ang mga tauhan ay hindi na nagtatrabaho sa sariling tahanan at may sariling kasambayan. Upang hindi umano bumaba ang kanilang pagkatao, nagre-resign na lamang ang mga staff ng mambabatas kaya lagi itong nagpapalit ng mga tauhan dahil walang nagtatagal sa ipinapagawa sa kanila. Clue: Ang mambabatas ay matagal-tagal na sa Kamara pero hindi pa humaharap sa media interview ngunit naglalabas ng press release.Mayroonitong inis­yal na T, as in Tabing Ilog ang kanyang distrito.
Posted on: Sat, 10 Aug 2013 01:39:57 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015