DASAL NA LANG SA PINAY NA BIBITAYIN SA CHINA... Isinara ng - TopicsExpress



          

DASAL NA LANG SA PINAY NA BIBITAYIN SA CHINA... Isinara ng pamahalaan ng China ang kanilang pintuan para sa kinatawan ng Pilipinas na siyang personal na aapela sana para ipagpaliban ang pagbitay sa isang Pinay anumang oras mula ngayon hanggang Martes. Tutulak sana patungong China si Vice President Jejomar Binay kahapon upang personal na iabot ang liham ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III na humihiling na babaan ang parusa sa Pinay drug mule subalit naudlot ito matapos makatanggap ng abiso mula sa nasa­bing bansa ang presidential adviser on OFW concerns nitong Sabado na ‘hindi ito ang panahon para pumunta sa China’. “This Saturday, I was informed that the ministry of foreign affairs of China has sent word that now would not be a convenient time for me to visit China. Sa madaling salita, hindi ito ang panahon para ako ay pumunta sa China,” paglalahad ni VP Binay. Binanggit pa ng Bise Presidente na kinikilala ng Pilipinas ang pinataw na parusang kamatayan sa 35-anyos na Pinay kung kaya’t labis ang kanyang kalungkutan na hindi pahintulutan ng China ang kanyang biyahe para personal na ipaabot ang mensahe ni Pangulong Aquino kay Chinese President Xi Jinping sa commutation ng death sentence sa atin­g kababayan na itinakda hanggang Hulyo 2 taong kasalukuyan. “Inuulit ko lang na kinikilala natin ang batas ng China, hindi natin kinukuwestyon ang hatol sa ating kababayan. I wanted to go to China to personally appeal for compassion. Dahil sa pagkansela ng kanyang biyahe, umapela na lamang ang Bise Presidente sa taumbayan na ipagdasal ang ating kababayan na nasa death row sa China. Kaugnay nito, ikinalungkot naman ng Filipino migrants’ rights group (Migrante) ang desisyon ng China na huwag na munang papuntahin si Binay para iapela ang hatol sa Pinay drug mule. Anila, bagama’t hindi nawawalan ng pag-asa ay tila napakanipis na umano ng tsansa na mabago pa ang hatol ng Supreme People’s Court sa Beijing. “Nananawagan tayo ng dasal... talagang napakadilim ng daang tinatahak ng isa nating kababayan... malapit na ang Hulyo 2 at hindi malayong maisalang siya sa lethal injection chamber,” paghahayag kahapon ni Migrante International chairperson Garry Martinez sa isang panayam. ‘Di makontak ang pamilya Sinabi pa ni Martinez na hindi pa nila nakakaugnayan ang pamilya ng Pinay. “Ginawa na namin ang lahat ng paraan para makaugnayan ang pamilya ng ating kababayan pero nabigo kami.” Sa kabila nito, umaasa pa rin si Pangulong Aquino na mapagbibigyan ng China ang kanyang kahilingan para makaligtas sa parusang kamatayan ang naturang Pinay.
Posted on: Sun, 30 Jun 2013 22:50:44 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015