DFA: ‘Wag munang bumiyahe pa-Thailand (Noel Abuel) - TopicsExpress



          

DFA: ‘Wag munang bumiyahe pa-Thailand (Noel Abuel) Pinayuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Filipino na nasa bansang Thailand na iwasan muna ang pagbiyahe sa mga lansangan sa gitna ng nangyayaring political unrest sa nasabing bansa. Sinabi ni DFA spokesman Raul Hernandez na mismong ang Thai govern­ment ang naglabas ng kahi­lingan sa publiko na manatili muna sa kanilang mga bahay at iwasan ang pagtungo sa mga lugar na sentro ng nangyayaring demonstrasyon. “Thai gov’t has issued a “request” to the public to stay home in the wake of current political developments in Bangkok. We ask the Filipino community in Thailand to heed the request of the Thai government and for our nationals to refrain from non-essential travel to Thailand at this time,” ayon pa kay Hernandez. Tiniyak din nito na pa­tuloy na nakatutok ang embahada sa Bangkok para matiyak ang kaligtasan ng lahat ng Filipino na nasa Thailand. Sa kasalukuyan ay pa­tuloy ang kilos-protesta na pinangungunahan ni anti-government protest leader Suthep Thaugsuban, ilang mga private at government schools ang nagkansela ng klase para matiyak ang seguridad ng kanilang mga estudyante, faculty at staff. abante.ph/issue/dec0413/abroad01.htm#.Up7b2TOwrMw ~crystal~
Posted on: Wed, 04 Dec 2013 07:40:37 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015