Dati nung nasa Japan pa kami ng mga anak ko. Para akong hinahabol - TopicsExpress



          

Dati nung nasa Japan pa kami ng mga anak ko. Para akong hinahabol ng oras, laging nagmamadali. Lagi akong walang oras para makipaglaro sa kanila dahil ako na si INA,ako na din si AMA. Hindi ito mahirap para sa taong sanay na... :) Ngayon naman na nasa Pilipinas na kami hindi na ako sanay na hindi kami naglalaro ng mga anak ko.... Hindi ako sanay na hindi sila nakikita araw-araw. Hindi ako sanay na hindi nila ako kinukulit at ginugulo.... Mahirap ito sa isang ina na nasanay na everytime dumadating ang anak nya from school, kalabog agad sa kwarto ang ginagawa... Ngayon. 2 days na akong hindi pinapansin ng bunso ko simula nung binili siya ng bisekleta. Lagi nalang siya sa ibaba, ayaw na nya akong akyatin dito sa kwarto... bike nalang siya ng bike... hahahah Rosy gustong magtampo pero wag nalang.... hehheheh gutom lang to... Encoding muna... :)
Posted on: Thu, 25 Jul 2013 04:34:44 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015