Dati-rati sabay pa nating pinangarap ang lahat. Umaawit pa sa - TopicsExpress



          

Dati-rati sabay pa nating pinangarap ang lahat. Umaawit pa sa hangin at amoy araw ang balat Naalala ko pa non nag aagawan ng nintendo Kay sarap namang mabalikan ang ating kwento. Lagi lagi ka sa amin dumidiretso pag uwi Maglalaro ng tao-taong piso-pisong nabili Umaawit ng theme song na sabay kinabisa Kay sarap namang mabalikan ang alaala.. Ikaw ang kasama buhat noon Ikaw ang pangarap hanggang ngayon.. Hanggang ngayon . . . Chorus: Di ba’t ikaw nga yung reyna at ako ang iyong hari Ako yung prinsesang sagip mo palagi Ngunit ngayo’y marami ng nabago’t nangyari Ngunit di ang pagtingin na gaya pa rin ng dararada dati Dararatda dati Dararatda dati Na gaya pa rin ng Dati-rati ay palaging sabay na mag-siesta At sabay ring gigising ng alas kwatro imediya Sabay manonood ng paboritong programa O kay tamis namang mabalikan ng alaala.. (Repeat Chorus) Dati-rati ay naglalaro pa ng bahay bahayan Gamit gamit ang mantel na tinatali sa kawayan At pawang magkakalaban pag nagtataya tayaan Pero sing tamis ng kendi pag nagkakasal kasalan Di ba dati ay nagkukunwaring Marvin at Jolina Minsan ay tambalang Mylene at Bojo Molina Ang sarap sigurong balikan ng mga alaala Lalu na’t kung magkayakap mga bata’t magkasama at Parang Hulyo’t Hulya lagi tayong magkasama Sabay tayong umiiyak pag inaapi si Sarah Una kang kinakatok sa pagsapit ng umaga Sana mabalik pa natin dati nating pagsasama Chorus: Di ba’t ikaw nga yung reyna at ako ang iyong hari Ako yung prinsesang sagip mo palagi Ngunit ngayo’y malayo ka’t malabong mangyari Ang aking pagtingin, o ibulong na lang sa hangin Pangarap na lang din na gaya pa rin ng dararada dati Dararatda dati Dararatda dati Na gaya pa rin Dararatda dati Dararatda dati Dararatda dati Na gaya pa rin ng.. Ng dati..
Posted on: Tue, 15 Oct 2013 05:44:14 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015