Deployment ng HSWs sa ME pinapipigil ng OFWs (Aries Cano) via - TopicsExpress



          

Deployment ng HSWs sa ME pinapipigil ng OFWs (Aries Cano) via Abante news-balitang abroad Mahigit 10,000 overseasFilipinoworkers ­(OFWs) sa Kuwait ang pumirma sa petisyon na humihirit na suspendihin ang deploymentngFilipino household service ­workers (HSWs) sa Kuwait at iba pang bansa sa Middle East. Umaapela ang libu-libong kababayan sa Kuwait sa gobyerno ng Pilipinas na magpatupad ng moratorium bunsod umano ng pagdami ng mga insidente ng pang-aabuso sa mga Pinay HSW sa Kuwait maging sa iba pang lugar sa Middle East. Ang 600-pahinang dokumento na naglalaman ng mahigit 10,000 pirma ay tinurn-over kay Philippine Consul General Raul Dado ni Ann Abunda, pangulo ng grupong Mga Oragon sa Kuwait, na isa sa mga samahan na nagsusulong sa naturang panawagan. “We hope and pray that the Philippine government heed the voice of the OFWs in Kuwait. May they not turn a blind eye on us. Stop the deployment of HSWs temporarily until full protection is given to our HSWs,” paghahayag ni Abunda. Tinatayangnasa 180,000 OFWs ang kumakayod sa Kuwait at mahigit 80,000 sa mga ito ay HSWs. Ang petition ay naka-addressed kay Pangulong Benigno Aquino III, gayundin sa House of Representatives,Department of Labor and Employment (DOLE)atDepartment of Foreign Affairs (DFA). ___
Posted on: Fri, 06 Sep 2013 06:49:43 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015