Employer absuwelto sa rape (Aries Cano) Nakalusot sa kalaboso ang - TopicsExpress



          

Employer absuwelto sa rape (Aries Cano) Nakalusot sa kalaboso ang isang Chinese employer na inakusahang nanggahasa ng Pinay domestic helper sa Hong Kong. Sa ulat, inabsuwelto ng Court of First Instance ang among Intsik na si Leung Wing-yu. Unanimous na ini-acquit ng seven-man jury nitong Hulyo 24 ang naturang akusado sa mga kasong two counts of rape at two counts of indecent assault na ibinalandra ng Filipina DH. Umabot ng 15-araw ang paglilitis at pinawalang-sala ang employer dahilan sa kawalan ng sapat na ebidensya laban dito. Sa reklamo ng 25-anyos na Pinay, dalawang beses aniya siyang hinalay ng amo noong Hulyo 25 at 31 ng nakaraang taon sa bahay nito sa Kowloon City. Bukod dito, ilang ulit din umanong nakaranas ng pambabastos ang Pinay. ^ Darna ^
Posted on: Fri, 02 Aug 2013 03:11:31 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015