FEELING SIKAT! Ang isang bagay na nahihiwagaan ako tuwing kasama - TopicsExpress



          

FEELING SIKAT! Ang isang bagay na nahihiwagaan ako tuwing kasama ko si mama kapag pupuntahan namin ang kapatid ko at ang mga pamangkin ay lagi na lang siyang nasasabit sa mga nadadaanang kapitbahay. Marami na kaming natirhan na medyo magkakalapit lang naman. At sa tuwing nagagawi kami doon, nasisilo si mama sa halos lahat ng bahay na madadaanan namin. Wala naman siyang sadyang importante doon. Parang nakikipag-Keeping-Up-with-the-Kardashians lang siya. Chika here and there. Tawanan. Konti-to-a-lot of gossips. Alis. Then same chika flow again sa ibang kapitbahay. O kahit hindi doon sa mga natirhan namin. Tuwing magsisimba kami, magtataka na lang ako na babati at makikipagchikahan siya sa nagtitinda ng mangga, ng cotton candy, at kung anik-anik pa. Minsan kumain kami sa JFC (chickenan) bigla na lang may lumapit sa amin at nakipaghuntahan sa kanya. Feel ko talaga ay sobrang sikat ng mama ko. Siya ang epitome ng Ms. Congeniality. Or pwede siyang tumakbo bilang Purok Leader sa amin. Sadly, or maybe fortunately?, hindi ko namana iyon (sa totoong buhay, iba naman sa FB-life). Kontento na kasi ako sa perfunctory pabati sa mga kapitbahay. In truth, kilala ako ng halos lahat ng kapitbahay namin then and now habang iilan lang ang kilala ko sa kanila. Snob nga ang tingin ng iba sa akin, eh. (P.S. tahimik lang talaga ako at medyo nahihiya) Anyway, ang point ko dito... wala lang. Galing kasi kami sa kapatid ko at gusto ko lang magkwento. Hihihi.
Posted on: Sun, 06 Oct 2013 01:39:54 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015